BIGLANG bawi si Aiko Melendez sa sinabi niya kamakailan na gusto uli niyang magpabuntis kay Jomari Yllana. Ayon sa aktres, ayaw na niya palang magkaroon ng baby, kuntento na raw siya sa dalawa niyang anak kina Jomari at sa ex-partner niyang si Martin Juckain.
“I take it back. Two nights ako, parang nagdasal ako na huwag na lang. I’m content na with two kids. I have a boy and a girl so parang okay na,” sey ni Aiko sa interview ng The Buzz noong Linggo.
Chika pa ng aktres, masaya na siya kung anong meron sila ngayon ni Jomari, at natutuwa siya na napanatili pa rin nila ng aktor ang kanilang magandang pagkakaibigan sa kabila ng kanilang failed marriage.
“We are okay. Jom and I are best of friends. If we go further than that, it will complicate things. If we are more than friends, masisira lang whatever we have right now,” aniya pa.
Samantala, mariin namang itinanggi ni Aiko na meron siyang bagets na boyfriend ngayon. Kalat na kalat na kasi sa social media ang litrato nila ng Michael Pate, isang college varsity player.
Pero sey ni Aiko, magkaibigan lang sila ng binata at kung lumalabas sila ay lagi namang kasama ang kanilang tropa.
“It’s pangit naman na it would come from me.
Probably siguro he has a crush on me. Ganun lang. Barkada namin nila Edwin Tan. We just hang out as a group,” esplika ng aktres.
Natanong naman si Aiko kung bakit may Instagram post ang basketball player na may hashtag pang “true love”, ano kaya ang ibig sabihin nito para sa kanya? “Probably kasi I’ve been single for the past five years.
Anybody na matabi sa akin, (nali-link). Ewan ko sa kanya bakit siya nag-post ng (true love). Sinasabi lang niya na humahanga siya sa akin pero walang ano….(panliligaw).”
Dagdag pa ni Aiko, masyado naman daw bata para sa kanya ang player. Samantala, kasama si Aiko sa unang episode ng Christmas special mini-series ng ABS-CBN na Give Love On Christmas na The Gift Giver na pinagbibidahan din nina Eddie Garcia, Carlo Aquino, Dimples Romana at ang napakagaling ding Kapamilya child star na si Louise Abuel with Nadine Samonte, Marco Alcaraz, Gerard Madrid and Alicia Alonzo.
In fairness, maraming pinaiiyak ang Give Love On Christmas dahil talaga namang tagos sa puso ang mga eksena rito. Maraming nakaka-relate na pamilyang Pinoy sa kuwento dahil totoong-totoo ang bawat tagpo.
Sabi nga ng ilang sumusubaybay dito, bigla nilang na-miss ang kanilang mga magulang na wala na sa piling nila. “Kaya sa lahat ng mga anak na buhay pa ang mga parents, make sure na binibigyan n’yo sila ng sapat na atensiyon dahil hindi n’yo alam kung kailan sila mawawala sa piling natin,” sabi pa ng aming kausap.
Ayon naman sa isang mommy na nakausap namin, “Talagang magaling ang ABS-CBN sa mga teleseryeng pampamilya, napakaraming values ang mapupulot ng bawat Pinoy sa Give Love On Christmas at siguradong maraming nai-inspire sa kuwento ni Mr. Eddie Garcia.”
Napapanood pa rin ang Give Love On Christmas mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.