Hindi pa nagkaka-girlfriend

Sulat mula kay Cedrick ng Tubod, Carmen, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Wala naman po akong gaanong problema, may regular naman akong trabaho at okey lang naman sa company na pinapasukan ko. Ang problema ko lang sa ngayon ay tungkol sa love life. Kasi po magtu-29 na ako sa darating na December 16, until now di pa din ako nagkaka-girlfriend. Sana mahulaan nyo kung kailan magkaka-girlfriend. Lagi tuloy akong kinakantiyawan ng mga friends at co-employee ko kasi ako lang ang walang ka-partner sa office namin ngayong pasko. Sana ay malaman ko rin kung sino-sino po ba ang babaing ka-compatible ko?
Umaasa,
Cedrick ng  Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat may malinaw na Marriage Line o Guhit ng Seryosong Pakikipag-relasyon sa iyong palad, ito ay medyo huli na ng gumuhit (Illustration 1. arrow 1.). Tanda na sa edad mong 29 or 30 pataas, walang mintis, at wala ding duda, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Cartomancy:
Isang sexy, maganda at kaakit-akit na babae ang inilalarawan ng Queen of Diamonds, Three of Hearts at Jack of Clubs (Illustration 1.) kung saan, siya ang magiging girlfriend mo, na hahangaan ka ng mga kasamahan mo sa trabaho, dahil sadya ngang kay ganda at katakam-takam ang first and last na magiging kasintahan mo sa malapit na hinaharap.
Itutuloy…

Read more...