Pagpirma ng kontrata ng anak ni Ai Ai sa GMA di natuloy

aiai delas alas
Na-reset pala ang pagpirma ni Sancho Vito delas Alas ng kontrata sa GMA 7. Dapat kasi ay today ito magaganap pero they moved it to Dec. 18. Kasi nga, baka tumuloy ang salbaheng si super typhoon Ruby kaya mawawalan dito ito ng fanfare, ‘no!

Basta kami ay masaya para sa anak-anakan naming si Sancho who is starting his own career – hindi lang bilang panganay na anak ng pinakasikat na komedyana ng bansang si Ms. Ai Ai delas Alas pero bilang alagad ng sining in his own right.

He’s such a very beautiful addition to our showbiz industry dahil in fairness sa batang ito, determinado talaga to make a name for himself. Nakitaan namin ito ng malaking promise as an actor.

Kaya wait lang kayo sa pagbulaga ng pangalan ni Sancho Vito delas Alas sa TV and movie industry natin.

Read more...