Sigaw ng madlang pipol: Maegan Aguilar bastos na mukhang aswang pa

maegan
Aswang kung tawagin ni Maegan Aguilar ang kanyang madrasta. Sa sobrang selos at pagka-insecure sa pinakasalan ng kanyang ama ay nagmukhang aswang si Jovie sa paningin ni Maegan.

Walang makapagkomento nu’n kung tama nga si Maegan dahil palaging solarized ang mukha ni Jovie sa TV, menor de edad pa kasi siya, ni kanyang pangalan nga ay ipinagbawal pang mabanggit nu’n sa mga balita tungkol sa kanila ni Freddie Aguilar.

Isang taon na nagtiis si Jovie, nilait-lait siya ni Maegan, kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain sa kanya ng may kabastusang anak ng musikero.

Hanggang sa mag-debut na ang minamahal ngayon ni Kaka, ipinakikita na ang kanyang itsura sa publiko, wala naman palang karapatan si Maegan na tawaging aswang ang kanyang madrasta dahil maganda si Jovie.

Bukod sa maganda na ang probinsiyanang karelasyon ni Ka Freddie ay ramdam din ang maganda niyang ugali. Para sa kanya ay mag-ama pa rin sina Ka Freddie at Meagan kaya dapat lang silang magkasundo.

Hindi siya haharang sa anumang mapagdesisyunan ni Ka Freddie, naiintindihan niya ang sitwasyon, ang magkadugo ay mananatiling magkadugo saanman sila makarating.

Komento tuloy ng mga kausap namin ay si Maegan pala at hindi si Jovie ang mukhang aswang. Aswang na raw ang ugali ni Maegan ay mukha pang aswang.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...