At dahil dito ay nagpasiya na rin ang Star Magic na hindi sila pagsamahin o pagsabayin sa kahit anong proyekto na sinang-ayunan din ng dating magkarelasyon.
Bukod dito ay pinagsabihan din silang walang magsasalita tungkol sa paghihiwalay nila pero noong Linggo sa The Buzz ay hindi na napigilan ni Melai ang magsalita, inamin nitong talagang break na sila ni Jason na minahal niya ng dalawang taon.
Maging ang gag show na Banana Split ay iniwan na rin ni Jason dahil hindi na niya kayang makasama o makita man lang si Melai, kaya naman hinayang na hinayang ang staff ng programa.
Sabagay, hindi naman kawalan si Jason sa show at aminin man niya o hindi ay si Melai ang nagdadala sa loveteam nila.
At sa pag-alis niya sa Banana Split, sino ba ang nawalan? Definitely hindi si Melai dahil gusto pa rin siya ng mga tao kahit solo na lang siya.
So, nasaan na nga ba si Jason ngayon?