LLOYDIE, CLAUDINE, KRIS mas mayaman kay PACMAN

Kung ang binayarang tax sa BIR ang gagawing basehan

SOME of our friends from showbiz made it sa list ng Top Taxpayers ng Bureau of Internal Revenue and leading the line is National Artist cum movie director and komiks king Carlo J. Caparas na nasa Top 3 sa pagiging taxpayer for the year 2010.

Nagbayad siya ng P65 million in taxes. Kaloka, di ba? Considering that direk Carlo J wasn’t even in the top 500 ng BIR list noong 2009 pero ngayon ay biglang nag-jump to Top 3 position.

The others who made marks in the tax payments are the following: Kris Aquino took the 17th slot mula sa 39th place last year by paying BIR P32 million.

Ang dating nasa Top 3 na si Willie Revillame ay nalaglag sa 21st place sa binayarang P26 million.

Nasa 58th place naman si Sharon Cuneta with P16 million. Ika-67 si Sarah Geronimo with more than P15 million. Ika-76 si Piolo Pascual with P13 million, Marian Rivera at 86th place with P11 million.

Nasa 95th place naman si John Lloyd Cruz with P10 million and 99th place si Claudine Barretto with P10 million.

“Akala ko mas maraming pera si Gretchen kaysa kay Claudine?

Bakit mas malaki ang binayarang tax ni Claudine?

Di ba pag umasta si Gretchen, wari mo’y pag-aari na niya ang buong Makati?” pagtataray ng isang fan. Ewan ko po.

Di ko po alam.

Basta iyan ang listahang natanggap ko last week kaya kebs ko. Hayaan n’yo – aalamin natin ‘yan.

Ha-hahaha! Mula naman daw sa pagiging number 2 noong 2008, nalaglag si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa ika-135th place, nagbayad lang siya ng P9 million sa BIR. Mas mataas pa ang binayaran ni Claudine sa kanya, in fairness.

Kaya nga raw gulat na gulat ang BIR sa development na ito. Noong 2008 nasa second place ka with P100 million in tax payment tapos naging P9 million lang noong 2010? Kaya hayun, iniimbestigahan na raw nila ang accounts ni Pacman.

At marami naman ang nagtataka kung bakit wala sa Top 10 list ng BIR ang mga negosyanteng kasama sa listahan ng Forbes Magazine bilang mga pinakamayamang Pinoy tulad nina Jaime Zobel de Ayala na pumuwesto lamang sa ika-23rd slot, si Fernando Zobel de Ayala in 37th place, Henry Sy in 61st place, Manny Pangilinan in 43rd place and Lucio Tan in 117th position.

Totoo ba ito? So, mas mayaman pa sina John Lloyd Cruz at Claudine Barretto kay Lucio Tan na may-ari ng PAL and Fortune Tobacco?

Parang nakakaloka nga, di ba? Diyan na pumapasok ang husay ng mga certified public accountants na ito – mukhang nari-restructure nila ang kita ng mga negosyanteng ito.

Kaysa naman magbayad ang mga malalaking isda sa BIR, magbabayad na lang sila nang maayos sa kanilang accountants para malaki ang matipid sa BIR.

Ganu’n nga ba ‘yun? Anyway, nananawagan naman ang BIR na kailangang magbayad na raw tayong lahat ng buwis natin bago ang April 15 – this coming Sunday na ‘yan.

Mabuti na yung maaga para hindi tayo mamultahan, OK? In fairness naman talaga kay Kris Aquino, kahit hindi ko masyadong feel ang babaeng iyan, she is really honest sa pagbabayad ng kanyang buwis kahit noon pa.

Hindi siya marunong mandaya sa kanyang kinikita.

Sabihin n’yo na ang lahat ng mga kalokahan niya pero as far as her taxes is concerned, mahusay magbayad ang babaeng iyan.

Kung dahil lang doon, masasabi kong diyan siya matino. Sa ibang bagay, ewan ko lang. Ha-hahaha!

Read more...