Batang Pinoy Nat’l Finals registration pahahabain
PINAGHAHANDAAN ng pamunuan ng Batang Pinoy ang posibilidad na humaba ang araw para sa registration ng mga sasaling manlalaro sa National Finals na gagawin sa Bacolod City, Negros Occidental sa papasok na linggo.
Ang pagtama ng bagyong Ruby sa bansa ang siyang inaasahang magreresulta para magkaroon ng pag-antala sa pagdating ng mga manlalarong nanalo sa mga idinaos na regional eliminations.
“Ang registration ay dapat gawin mula December 7 hanggang 9 pero puwede pa kaming tumanggap ng entries hanggang December 10,” wika ni Batang Pinoy technical chief Annie Ruiz.
Sa orihinal na plano, ang kompetisyon na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang pamahalaang lokal ng Bacolod sa pangunguna ni Mayor Monico Puentevella at may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) ay dapat magbubukas sa Disyembre 9.
Ang kompetisyon ay gagawin mula Disyembre 10 hanggang 13.
May posibilidad na iurong din ang opening ceremony pero tiniyak ni Ruiz na hindi lalampas sa Disyembre 13 ang kompetisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.