DAHIL sa inaasahang masungit na panahon ngayon dulot ng pagdating ng bagyong Ruby ay minabuti ng organizers ng 38th National Milo Marathon na kanselahin ang National Finals ngayong umaga sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Ang kapakanan ng libu-libong runners na tatakbo sa taunang 5-in-1 footrace ang siyang isinaalang-alang ng mga nagpapatakbo kaya’t minabuting kanselahin muna ang karera.
“Due to the impending threat of Typhoon Ruby, the 38th National Milo Marathon National Finals will not push tomorrow, Sunday, December 7. We will update all of our runners once we have further details on when the National Finals will be held.
“We apologize for any inconvenience this may have caused and thank you for your kind understanding,” mensaheng ipinadala ng Strategic Edge Inc., ang PR Partner ng Milo Philippines.
Tampok na kompetisyon ay sa 42.195-kilometer race na magkakaroon ng Open (dayuhan) at Local categories.
May aksyon din sa 21-K bukod sa 10-K, 5-K at 3-K distansya.