Kean Cipriano naglalaway kay Jennylyn: Grabe! sobrang ganda ng babaeng ‘yan!

kean cipriano
TILA laway na laway naman ang aktor at bokalista ng bandang Callalily na si Kean Cipriano sa kagandahan at kaseksihan ng hot mama na si Jennylyn Mercado.

Magkasama ang dalawa sa 2014 MMFF entry na “English Only Please” with Derek Ramsay. At dahil nga matagal-tagal ding nagkasama sina Kean at Jen sa shooting ng movie, mas nakilala raw ni Kean ang Kapuso actress.

Dito niya napatunayan na mabait din ang aktres. Sabi nga ng rakista sa isang interview, natulala talaga siya nang ma-meet nang personal si Jennylyn.

“I swear to God, she’s one of the most beautiful faces I’ve seen in this industry. Nu’ng nagpi-preview, sinasabi ko, ’Jennylyn, ang ganda mo!’ Maganda talaga si Jennylyn ever since, but seeing her personally, meeting her, talking to her, doing a scene with her in bed…of course, I was mesmerized and I still am.”

May malisya ba ang paghanga niya kay Jennylyn? “Malisya is not the word, but there’s this small thing called infatuation, maybe. She’s so beautiful. You can’t blame me.

Kahit sinong lalaki diyan ang tanungin mo, sasabihin nila the same thing.” “And siyempre, it crossed my mind, ‘yung imagination. What if she’s the person I can be with? Hanggang imagination lang,” sey pa ni Kean.

Samantala, isa si Kean sa mga artistang may entry sa MMFF sa mga artistang maagang dumating sa general presscon ng MMFF na ginanap sa Sampaguita Gardens kung saan dumalo rin ang namumuno sa taunang filmfest na si MMDA Chairman Francis Tolentino.

In fairness, nakikita namin kay Kean na talagang kinakarir na niya ang pagiging aktor, seryoso na talaga siya sa pag-aartista.
Pero sabi nga ng singer-actor, hindi pa rin niya siyempre pinababayaan ang Callalily.

Ibang satisfaction din daw ang nakukuha niya kapag kumakanta siya kasama ang kanyang banda.

Read more...