Negosyong patok ngayong pasko

Sulat mula kay Rosemarie ng Brgy. Granada, Bacolod City

Dear Sir Greenfield,

Malaki-laki rin pong halaga ang nakuha naming 13th month pay ng mister ko plus bonus at balak po naming inegosyo ito. Anong negosyo po ba ang mairere-komenda ninyo malaiit lang ang puhunan, pero magbibigay sa amin ng swuerte sa aming pamilya at sa aming mag-asawa. December 5, 1988 po ang birthday ko at October 14, 1980 naman ang mister ko.

Umaasa,

Rosemarie ng Bacolod City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Kapansin-pansin ngang kapwa may malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad nyong mag-asawa. Ibig sabihin higit kayong susuwertehin sa pagnenegosyo kaysa sa pamamasukan. Kung kaya’t kung sisimulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain, ngayong kapaskuhang darating susuwertehin kayong mag-asawa at pagpapalain.

Cartomancy:

King of Hearts, Ten of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta’t nagmamahalan at ang ise-serve na pagkain sa inyong negosyong kainan ay may pag-ibig na lulutuin, siguradong magtatagumpay ang negosyong may kaugnayan sa pagkain na inyong sisimulan ngayong buwan ding ito ng Disyembre.

Itutuloy….

Read more...