Carl Guevara umaming mahal pa rin si Kris Bernal | Bandera

Carl Guevara umaming mahal pa rin si Kris Bernal

Ervin Santiago - December 07, 2014 - 03:00 AM

kris bernal
Muling nagkausap ang dating magdyowa na sina Carl Guevara at Kris Bernal. Si Carl ang unang gumawa ng hakbang para maging magkaibigan uli sila ng Kapuso actress.

Kung matatandaan naging kontrobersiyal din ang break-up ng dalawa. “After five months kasi saka ko lang siya kinumusta, tinext ko siya. Ako ‘yung unang nag-text, kinumusta ko siya, tinanong ko kung ano ang free time niya,” ayon kay Carl nang makausap din ng press sa Christmas party ng PPL na siya ring nag-aalaga sa showbiz career ng aktor.

“Gusto ko wala kaming itinatagong sama ng loob sa isa’t isa. Christmas naman, so inaya ko siya (sa isang resto sa Quezon City),” anang binata. Pero hindi raw sila nakapag-usap nang maayos ni Kris dahil kinailangan na rin nilang umuwi dahil medyo late na.

Dugtong pa ng aktor na ngayo’y napapanood na sa ilang shows ng TV5, partikular sa musical serye na Trenderas, “Ang hinihintay lang naman niya ay i-text ko siya, tinext ko siya, ‘tapos sumagot naman siya.

Kasi feeling ko, makikita at makikita ko rin siya, puwedeng makatrabaho ko siya. Ayoko naman ng may ilangan.” Dinenay naman ni Carl na nagkabalikan na sila ni Kris, aniya, masaya na sila ngayon ng dating girlfriend bilang magkaibigan.

“Pero hindi mo rin masasabi, di ba? But masaya kami na single, e. Ako, masaya ako, masaya rin siya dahil nagagawa niya lahat ng kailangan niya. Wala…pero naging parte na siya ng buhay ko, e.

Hindi naman siya ‘yung walang pagmamahal, as in totally wala. “Mayroon pa rin kahit papaano, pero ’di na tulad ng dati. Hintayin ninyo, bahala kayo…basta ako, masaya ako na ganito, single kami pareho.

Saka gusto ko munang unahin ang family ko, ang daming dapat ayusin,” chika pa ni Carl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending