Lea nag-emote uli: Ganu’n ba kami kababa para tapak-tapakan n’yo!?

lea salonga
“THANKS, @JustSarahG for having my back. The spoiler leak wasn’t just disappointing. We all felt betrayed. We all worked so hard. #BattlesPH.”

That was Lea Salonga’s tweet of pagpapasalamat kay Sarah Geronimo for echoing the same sentiment about the spoilers sa reality show nila.

This was followed by another tweets, “Parang, ganoon ba ang pagtingin sa amin na kusang nagpupuyat at napapagod para magbigay sa mga manonood namin ng isang mahusay na palabas?” and “Parang, ganoon ba kami kababa na puwede kaming tapakan? Hindi ako papayag.

Binibigay namin ang lahat ng aming puso at kaalaman para sa inyo.” Tulad ni Lea, na-frustrate at nalungkot din si Sarah sa paglabas ng spoilers sa social media.

“Si Ms. Lea kasi is very outspoken. Talagang sasabihin niya talaga kung ano ‘yung sasabihin niyang tama, and she has all the right naman, ‘di ba? Coach siya at saka pinagpaguran namin ‘yan lahat, ng mga artists, ‘di ba,” say ni Sarah sa isang interview.

Aling Lea is NOT THINKING. Panay ang banat niya sa spoiler ng show nila but she conveniently forgot to put the blame on her show’s production staff.

If she’s indeed a thinking artist as the way she projected herself many times in the past, she should put the blame first on her show’s production staff. Why? Kasi naman hindi naman mangyayari ang spoiling na ‘yan had the staff been efficient in safeguarding the show.

Hindi mo ba magawang sisihin  muna ang production staff ng show mo? Puwes, kami na ang gagawa para sa ‘yo, Aling Lea, dahil duwag ka naman, eh, at ang kaya mo lang talakan sa social media ay ang mga mas mababa sa ‘yo.

Come to think of it, ang puno’t dulo naman ng paglabas ng spoilers ay ang kapabayaan ng production staff so stop YAKKING, Aling Lea. Sisihin mo muna ang staff ng show mo bago mo i-bash ang spoilers.

You don’t need a brain to see that point, right? Ano ba ang nauna, Aling Lea, ang pagkuha ng video while the show is ongoing o ang pagpapatupad na kunin lahat ng cellphone o any video equipment?

We thought that Aling Lea is intelligent enough, pero hindi pala. Kung maka-aria siya sa social media ay akala mo kung sino pero hindi naman nag-iisip.

Kaya mo bang i-bash ang production staff ng show mo and ram on their collective throats ‘yung kapabayaan nila? If you can be harsh on the spoilers, dapat harsh ka rin sa inefficient staff ng show ninyo, ‘no!

Kaya mo bang murahin ang inefficient staff n’yo? Siyempre hindi. Siyempre takot mo lang. Mas bibilib kami siguro sa ‘yo, Aling Lea, if you campaign na mapatalsik ang inefficient staff ng show mo.

Hindi n’yo kailangan ng ganyan kapalpak na staff, ‘no! Ang nakapagtataka naman, matatalino naman yata ang production staff ng show nina Aling Lea, Sarah, Bamboo and Apl.de.Ap pero tila inefficient sila. Dapat sa kanila sibakin!!!

Nag-threaten pa ang official page ng show ni Aling Lea, saying na ang sinumang maglalabas ng spoiler ay iba-ban at iba-block sa kanilang Twitter account and Facebook page. Block n’yo your face!!! You need those followers in social media more than they need you.

Read more...