Derek mas liligaya kung may bagong GF

derek ramsay
Maligayang kaarawan ngayon sa mahal naming si Derek Ramsay. Treinta’y otso anyos na ngayon ang guwapong aktor, pero maipagmamalaki ni Derek ang kanyang pagkakaedad, dahil maraming makabuluhang nagaganap sa kanyang buhay at karera tuwing magdadagdag siya ng taon.

Naging mabait ang 2014 sa kanya. Nagkaroon man siya nang matinding personal na laban nitong mga nakararaang buwan ay napakarami pa rin niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Buhay na buhay ang kanyang karera, napagtagumpayan niya ang paghamon na akala ng mas nakararami nu’n ay tuluyan nang makasisira sa kanyang career, nandiyan pa rin ang kanyang mga magulang na anuman ang mangyari ay nakasuporta sa lahat ng sinusuong niyang laban.

At naging mabait din sa kanya ang kapalaran dahil madalas na silang nagkakasama ng kanyang anak na si Austin Gabriel, sinasamantala niya ang pagkakataon, dahil ilang araw pa mula ngayon ay mag-aaral na sa Dubai ang kanyang binatilyo.

Hindi pinoproblema ni Derek ang kanyang lovelife, palagi siyang naniniwala na may nakalaang idinisenyo sa kanya ang tadhana, masaya siya ngayon pero aminado ang hunk actor na ang saya ay mapapalitan ng kaligayahan kapag meron na siyang espesyal na mamahalin.

Happy birthday uli, Derek Ramsay!

Read more...