Mga nanay napapraning sa Bagito ni Nash Aguas

nash aguas
Patuloy pa ring namamayagpag sa kanyang timesloet ang kontrobersiyal na teleserye ng ABS-CBN, ang Bagito na pinagbibidahan nina Nash Aguas, Ella Cruz at Alexa Ilacad.

Waging-wagi pa rin sa ratings game ang Bagito sa Primetime Bida. Base sa datos ng Kantar Media/TNS nitong nakaraang Huwebes ay nakakuha ng 26.1% ang serye nina Nash, samantalang ang kalaban nito sa GMA na Coffee Prince ay nakakuha lang ng 14.4%.

At dahil diyan, kaya mas lalo pang ginaganahan ngayon ang buong cast sa kanilang pagte-taping. Sabi nga ni Nash, abot-langit ang kaligayahan nila ngayon dahil talagang gabi-gabi silang tinututukan ng sambayanan.

Hindi lang kasi ang mga kabataang tulad nina Nash, Ella at Alexa ang sumusubaybay sa Bagito ng Dreamscape Entertainment TV, kundi pati na rin ang mga magulang na sobrang affected sa kuwento ng serye.

May mga nakakausap nga kaming parents na talagang napapraning sa takbo ng kuwento ng Bagito, naiisip daw nila, paano kung ang mga anak nila ang nasa katayuan ngayon ni Nash na sa murang edad nga ay nakabuntis na.

Parang mababaliw raw sila kung sa kanila mangyari ‘yun. At yan naman ang objective ng Dreamscape sa pagpapalabas ng ganitong uri ng kuwento sa primetime dahil naniniwala sila na ito na ang tamang panahon para ibandera sa buong mundo ang reyalidad ng buhay lalo na sa mga kabataan natin ngayon.

Read more...