DAPAT sana’y ngayong araw ang event ni Gov. Velma Santus sa Batangas na kinabuwisitan ko of late dahil naloka ako sa ginawa ng kampo niya sa amin.
Imagine, ginulo nila ang sked ng alaga naming si Michael Pangilinan – pinakiusapan nila kami para mag-guest sa kaek-ekan nila sa Batangas for a measly sum of honorarium tapos bigla-bigla ay tinext na lang kami that they are cancelling Michael’s guesting dahil nag-over-budget sila.
Natural, kahit gusto nilang i-reconsider si Michael for the event dahil nalaman nilang nagalit ako sa ginawa nilang pambabastos sa amin, pinangatawanan ko nang huwag ibigay si bagets sa kanila.
Ang ending? Di na rin daw matutuloy ang event nila, the whole event dahil natakot sila sa bagyong Ruby. Kasi nga, with this baklitang Ruby, hindi talaga nila mapapakinabangan ang araw na ito sakaling humagupit ito sa bayan nila.
Nagkataon kasing nagkaroon ng nakakatakot na sakunang darating kaya kinansela din finally ni Aling Velma ang kanilang kasiyahan.
And of all governors sa bansa, siya yata ang pinakahuling nag-announce na suspended ang pasok nila sa schools, offices, etcetera. Ganoon daw katamad ang gobernadora nila sa Batangas.
“Palagi kasing nagkakasakit si Gov. Vilma kaya medyo naapektuhan ang schedules namin sa Batangas lately. Medyo humina yata ang sistema niya dala ng depresyon at kung anu-ano pang sakit. Kaya dapat sa kaniya ay mag-rest muna for a while para maka-recover,” anang isang kakilala naming Batangueno.
Talaga? Kung humihina na ang resistensiya niya lately, aba’y talagang dapat muna siya magpahinga. At huwag na muna niyang ilusyunin ang pagtakbo for a higher position dahil hindi ito kakayanin ng kaniyang health.
Baka mas lalong mag-suffer ang bansa pag umupo siya for a higher post. Hindi rin natin siya mapapakinabangan, magsusuweldo tayo ng isang pulitiko na hindi naman makakagalaw nang maayos.
After all, she’s very rich na naman kaya di na niya actually kailangang magpakakuba sa work. At isa pang nakakaloka sa kanya at sa anak niyang si Luis Manzano, pa-echos pa silang nagtatalo kuno sa balak ni Luis na pagtakbo bilang mayor ng Lipa City.
Kiyemeng pinipigilan siya ni Aling Velma sa kaniyang planong pagsanak sa politics pero ang totoo niyan, gimik lang nila iyan para makakuha ng libreng mileage.
Ang totoo raw niyan ay ginu-groom talaga ni Aling Velma ang kaniyang anak na pumalaot sa pulitika dahil there’s so much money in here compared to showbiz.
Kumbaga, ginamit lang nila ang showbiz na tuntungan para sumikat at makilala nang husto and eventually use it sa political agenda nila. Ganyan kahusay mang-echos ang mag-inang Velma and Luis.
Anyway, good riddance to your favorite governor. She’s such a distasteful personality, if you only know.