Vina natatakot magsalita nang masama tungkol kay Cedric Lee

vina morales
INAMIN ni Vina Morales na hindi pa rin sila nagkikita o nagkakausap ng ama ng kanyang anak na si Cedric Lee. Ayon sa Kapamilya singer-actress, kahit daw bago pa mangyari ang diumano’y pambubugbog ni Cedric kasama ang tropa nito kay Vhong Navarro ay hindi na sila nagkikita nito.

Sa interview ng programang Headstart sa ANC, sinabi nitong hangga’t maaari ay ayaw na nitong magsalita pa tungkol kay Cedric, lalo pa’t alam naman ng lahat na ito ang tatay ng kanyang five-year-old daughter.

“I haven’t seen him. I haven’t talked to him. If we talk about our kid, it’s lawyer to lawyer…hindi ganoong maayos ‘yung situation but, you know, things might change. But not to the extent na…siyempre, to me it’s really over,” pahayag ni Vina.

Nang tanungin muli kung meron ba siyang masasabi tungkol sa kasong kinasasangkutan ng kanyang dating karelasyon, ang naging tugon ng aktres, “Wala, wala akong masabi.

Mahirap mag-comment…kapag mga ganyan, kinakabahan ako kasi siyempre. “I really don’t want to say bad things about him din naman because he’s still the father of my child. Kung anuman ‘yung nangyari between him and Vhong, ayaw kong makisali because hindi ako kasali sa sitwasyon,” diin pa ni Vina.

At hanggang ngayon pala ay hindi pa rin ikinukuwento ng Kapamilya actress ang tungkol kina Cedric at Vhong, “As a mother, now is not the time. She’s too young, she’s five years old.”

“Bawal, ayaw kong ma-absorb niya yon. Malalaman niya din ‘yon when she’s old enough. Igu-Google niya lang ‘yung name ng dad niya, makikita niya na lahat ‘yon. But not now,” sey pa ni Vina.

Read more...