Geoff kay Carla: Wala akong niloloko kahit sino , malinis ang kunsensiya ko!

carla abellana
DIRETSONG sinabi ni Geoff Eigenmann na gamit na gamit siya ng kanyang ex-girlfriend na si Carla Abellana noong kasagsagan ng promo ng mga proyekto nito kasama si Tom Rodriguez.

Sa lahat kasi ng interview kay Carla ay hindi nawawala ang pangalan ni Geoff at ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. At habang dakdak nga nang dakdak ang Kapuso actress ay nananatili lang na tahimik ang anak ni Gina Alajar.

Sa ibinigay na Christmas/thanksgiving party ng PPL talent management ni Perry Lansigan para sa mga kaibigan nila sa entertainment press, tinanong si Geoff kung na-feel ba niya na nagamit siya ng ex-GF.

“Well, no bullsh***, totoo naman, e. Ginamit naman talaga…I don’t really care. Ang sa akin lang kasi, I’m paid to do my job and I don’t talk about my personal life and, for me, that’s private.

And she decided to go the other way, so, yun na ‘yon,” sagot ng binata. Ano ang magiging komento niya kung may magsabi na bakit ngayon lang siya nagsasalita ng tungkol sa break-up? “It’s because everybody wants to hear my side, ‘yun lang naman ‘yun.

There, I talk now, and this is probably the only time I’ll talk about it. I guess, tama lang, promo, e!” sabay ngiti nito.
Tungkol naman sa ginawang pagkukumpara diumano ni Carla sa kanya sa isang “demonyo” matapos ang kanilang paghihiwalay, hiningan din si Geoff ng reaksiyon tungkol dito.

Kung matatandaan, nag-dialogue noon ang Kapuso actress ng, “Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”

Natawa muna si Geoff bago sumagot, “I think, whatever she said reflects more on her than on me So, I’ve always been quiet. Whatever she said, wala kayong narinig sa akin.”

“Ako, I wasn’t really offended with her comments. She can say whatever she wants. Kung sa tingin niya ganu’n ako, then…she’s been with the devil for four years,” hirit pa ng aktor.

Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw ang naging dahilan ng break-up nila, ano nga ba ang totoo sa mga naglalabasang chika? “Ewan ko, kasi sa dami ng lumalabas na dahilan, hindi ko na alam. I know what I believe in. I know the truth…Ako, at peace ako.

Wala akong itinatago, wala akong binu-bullsh***, everything’s out there, that’s it.” Isa ba talaga si Kylie Padilla sa naging rason ng hiwalayan? Nagkasama sila ng dalaga sa seryeng Adarna ng GMA at nagsalita noon si Kylie na alam niya kung ano ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa?

“Well, marami kasing kumplikasyon noong panahon na ‘yan. People talking, sama-sama ang mga pangalan and all that, other names that get into the picture. I guess, yeah, magkatrabaho kami before and during those times that it was happening. I guess, kung may pinaniniwalaan siya, ‘yun ang pinaniniwalaan niya.”

Mariin niyang itinanggi na niloko nila ni Kylie si Carla, “Kung nandoon man siya, I think we’ll be together now, but we’re not.”
Wala bang regrets na naghiwalay kayo ni Carla? “Ako kasi, I never had any regret.

Kung anuman ang nangyari noon, it’s all memories, we all had good times. Unfortunately, it has to go the way it is.” Hindi naghahanap ng bagong girlfriend si Geoff pero kung may darating daw na babaeng magpapatibok ng kanyang puso, bakit hindi.

“But I don’t look for it. If it comes my way, it comes my way. Kung nandoon siya, kung gusto niyang sumama sa akin sa mga pinaggagawa ko ngayon, sumama siya.”

Read more...