Super typhoons, bagong normal na

PARANG mapagbiro ang tadhana sa ating bansa.

Matapos ang wallop na ginawa ng Supertyphoon “Yolanda” sa Tacloban City at ibang lugar sa Easter Visayas last year, parating naman ngayon ang isa pang super typhoon na pinangalanang “Ruby.”

Kapag hindi lumihis si Ruby sa kanyang dinadaanan, tatama ito sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.

Naging normal na ang mga super typhoons sa pagdating nina Yolanda noong nakaraang taon at ni “Pablo” dalawang taon na ang nakararaan.

Winalop ni Pablo ang Davao Oriental at Compostela Valley sa Mindanao. Hanggang ngayon ay di pa gaano nakaka-recover ang mga biktima ni Pablo.

Naging bagong normal o “new normal” na ang mga super typhoons na bumibisita sa ating bansa.

Dapat ay humanda pa tayo sa mga super typhoons sa mga darating na panahon.

Di ko na dapat sabihin kung anong ginawa ni Yolanda sa Eastern Visayas, lalong lalo na sa Tacloban City.

Maraming taong nalunod sa storm surge na dulot ng malakas na hangin at nasirang mga ari-arian.

Nang dumating ang aming medical team sa Tacloban City tatlong araw matapos umalis si Yolanda, nakita namin na parang hinulugan ng atomic bomb ang siyudad.

Ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo on record, pero baka mapapantayan o malalampasan ito ni Ruby.

Magdasal tayo na sana ay kakaunti lang ang pinsala na iiwan ni Ruby dahil sa ating paghahanda.

Sana naman ay maging makatotohanan ang gobiyerno ni Pangulong Noy sa pagreport sa bilang ng mga nasawi.

Iniinsista ng Malakanyang na 6,000 plus lang ang nasawi sa Yolanda.

Maraming makapagsasabi sa inyo na kung makatotohanan ang reporting, 20,000 katao ang nasawi sa Yolanda.

Masyadong sensitive si P-Noy sa casualty figures so much so that sinibak niya ang chief of police ng Eastern Visayas na sa kanyang kalkulasyon, 10,000 ang nalunod sa Yolanda.

Sinuspendi ng Office of the Ombudsman si Director General Alan Purisima, chief ng Philippine National Police (PNP), dahil sa diumano’y anomalya sa kontrata sa pagdeliver ng mga baril sa mga licensed gunholders.

Hindi ko hinuhusgahan si Purisima sa kanyang pagkakasuspendi, pero dapat ay maglagay agad ng officer-in-charge sa kanyang lugar dahil kailangan ito ng PNP na isang malaking organisasyon.

Si Felipe Rojas, deputy director ng PNP for administration, ay nagretiro kahapon nang maabot na niya ang mandatory retirement age na 56. Di na siya puwedeng maging OIC.

But the PNP does not lack for good leaders to fill up Purisima’s place in his absence.

Nandiyan si Leonardo Espina, deputy chief for operation ng PNP, at Marcelo Garbo, chief of directorial staff.

Si Espina at Garbo, parehong estrikto at professional, ay classmates ni Purisima sa Philippine Military Academy.

Kaya’t ang panukala na gawin si Interior Secretary Mar Roxas na acting PNP chief ay katawa-tawa dahil siya’y sibilyan.

Read more...