DEAR Aksyon Line,
Ako po si Agustin P. Casilian, 65 taong gulang at tubong Tanauan, Leyte. Isa po akong SSS pensioner at tumatanggap ng P1,700 buwanang pension sa pagreretiro sa Pepsi Cola Plant, Tanauan, Leyte.
Naglakas loob po akong sumulat sa inyong column at nananalangin na matulungan ninyo po ako para sa adjustment ng aking buwanang pension.
Idinulog ko na po eto sa SSS Tacloban noong October 2013 at hanggang ngayon ay wala pa pong resulta. Sabi po ng Assistant Branch Head ng SSS Tacloban na si Joel Tonido, sumulat na sila sa mga sangay ng SSS sa Cebu City at Diliman Quezon City para makuha ang record ng aking serbisyo ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.
Ito ang inaasahan kung makakadagdag sa kakulangan sa araw- araw kung gastusin gaano man kahirap magmaneho sa padyak para dagdag kita din.
Wala po akong anak sa namayapa kong kabiyak na pwedeng sandalan at nag-iisa na lang po ako. Etong adjustment ay napakalaking tulong para sa akin.
Maraming, maraming Salamat po God Bless
Agustin Casilian
SSS No. …751
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa liham na ipinadala ni G. Agustin Casilian sa Aksyon Line kung saan tinatanong niya ang tungkol sa adjustment ng kanyang retirement pension.
Ayon sa aming verification, si G. Casilian ay nag-apply para sa recomputation ng kanyang pension noong November 27, 2014 matapos po ang manual verification ng kanyang contributions.
Sa ngayon pinoproseso nap o ang kanyang claim for adjustment. Pinapayuhan po namin si G. Casilian na mag follow up sa pamamagitan ng pagpunta o pagtawag sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.
Maaari din po siyang mag register sa www.sss.gov.ph sa My.SSS para ito ay kanyang ma-verify.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Casilian.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
May Rose Francisco
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.