Rachelle Anne, Slater Young hindi kinaya ang long-distance love affair kaya naghiwalay agad
ANO kaya ang naging reaksiyon ni Rachelle Ann Go sa pag-amin ni Slater Young na totoong naging sila at naghiwalay lang dahil hindi nila nakayanan ang long-distance love affair.
Ayon sa dating PBB big winner, magkaibigan pa rin naman sila ni Rachelle Ann sa kabila ng napurnada nilang relasyon, maayos silang naghiwalay kaya wala ring samaan nang loob.
Ibig sabihin, umalis ang Kapuso singer-actress noong nakaraang March patungong London para sa musical stage play na “Miss Saigon” nang sila’y maghiwalay.
Sabi ni Slater, wala pa raw isang buwan sa London ang ex-girlfriend nang magdesisyon silang tapusin na ang kanilang relasyon. “March pala kami nag-break.
We were together January. So, when she left, mga two, three weeks after, we broke up,” ang paliwanag ni Slater sa isang interview. Dagdag pa ng binata, “Sobrang hirap lang talaga when you argue about small things na lang.
It was just super busy, and then the time difference, hindi talaga, we couldn’t make it work.” Of course, nanghihinayang din si Slater sa kinauwian ng kanilang relasyon, pero aniya, ang mahalaga nanatili pa rin silang magkaibigan ni Rachelle Ann sa kabila ng lahat, “We’re still friends.
My family just went there to watch her.” Ang tanong, nagpaalam kaya si Slater sa kanyang ex-GF na magsasalita na siya about the break-up? E, kasi nga, kapag si Rachelle Ann ang tinatanong ng press tungkol dito, ay lagi siyang umiiwas.
Basta ang lagi niyang sinasabi, “Okay kami. Nag-uusap kami. Kung ano yung napag-iwanan namin noon, ‘tapos na yun, move forward, that’s it.”
Samantala, maituturing na pinaka-challenging na proyektong nagawa ni Slater ang pelikulang “#Y”, ang isa sa mga pinakakontrobersiyal na entry sa nakaraang Cinemalaya X kung saan nakasama niya sina Elmo Magalona, Coleen Garcia, Kit Thompson at Chynna Ortaleza.
Sa presscon ng “#Y” kamakailan, sinabi ni Slater na sana’y makagawa pa siya ng maraming proyekto na tulad ng nasabing movie dahil dito niya natsa-challenge ang sarili para mas maging versatile actor.
“I consider din as my major break, though support lang ang role (bilang utol ni Elmo), masasabi kong ito ang most challenging, kasi I’m used to playing the good guy, the nice guy.
Ito edgy, mas offbeat siya kasi hindi ko siya nakasanayan. Mayabang kasi yung karakter, so I expect na magagalit sa akin ang viewers in a way,” aniya pa.
Showing na sa Dec. 10 ang “#Y” nationwide to be released by Star Cinema. Ito’y sa direksiyon ni Gino Santos. Sa lahat ng naka-miss sa pelikula noong Cinemalaya Film Festival ito na ang pagkakataon n’yong mapanood sina Elmo, Slater, Coleen, Kit at Chynna in their most offbeat roles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.