Jasmine Curtis handang ipaglaban sa pamilya ang pag-ibig kay Sam Concepcion

jasmine curtis
Umaasa pa rin si Jasmine Curtis na magkakasundo rin ang ate niyang si Anne Curtis at boyfriend na si Sam Concepcion matapos magkaroon ng misunderstanding noon.

Hindi man diretsong sinabi ni Jasmine na may gap pa rin until now ang dalawa, sa naging pahayag niya sa nakaraang episode ng Aquino & Abunda Tonight, tila kinumpirma na rin niyang “not in good terms” ang kanyang ate at BF.

Tinanong ang dalaga kung totoo bang hindi boto si Anne kay Sam, tugon ni Jasmine, “The thing is, pag family kasi, kailangan alam mo ‘yung opinyon nila, where they stand.

“Kailangan mo rin sila intindihin, kasi kapag nasa isang relasyon ka, hindi dapat ‘us against the world’ ‘yun, eh. Kailangan nagkakaintindihan tayong lahat,” paliwanag niya.

Nirerespeto naman daw niya ang mga advice ni Anne, pero aniya, “But at the same time, I want to be in the middle ground. Gusto ko sila magkaayos.”

“We can say we don’t hang out all together, but it’s not a problem naman po. Naiintindihan nila ‘yon sa bawat isa,” dagdag pa ni Jasmine.

Kung matatandaan, naging malaking isyu sa showbiz ang diumano’y komprontasyon sa pagitan nina Anne at Sam sa isang bar dahil kay Jasmine.

Sa isang interview, ipinaliwanag ni Jasmine ang pagiging overprotective ate sa kanya, “Kasi siyempre, natrato narin po ako ni ate na parang baby niya talaga.

Pag bumibisita po ako dito, siya ‘yung responsible para sa akin. It’s more of being a protective older sister.”  Pero in fairness, bilib din kami kina Jasmine at Sam, ha! Sa kabila ng mga iskandalo at kontrobersiyal kinasangkutan nila, nananatili pa ring matatag ang kanilang relasyon.

Kaya sana nga, sila na ang magkatuluyan sa huli dahil sayang naman ang “you and me against the world” na drama nila sa kanilang ilang taon na ring relationship.

At naniniwala rin kami na handang ipaglaban ni Jasmine ang kanyang pagmamahal kay Sam sa kanyang pamilya.

Read more...