Ai Ai: Disenteng lalaki naman si Gerald, hindi po siya basura! | Bandera

Ai Ai: Disenteng lalaki naman si Gerald, hindi po siya basura!

Julie Bonifacio - December 06, 2014 - 03:00 AM

aiai delas alas
NAGLABAS ng kanyang emosyon si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa mga batikos na binabato sa kanya kaugnay ng kanyang relasyon kay Gerald Sibayan. Ultimo ang pagpunta nila sa Japan ay ginawan ng isyu.

“Nagbakasyon ako, deserved ko naman siguro ‘yun,”  ani Ai Ai sa amin. Ngayon nga lang daw siya nakapagbakasyon dahil nagkasunud-sunod ang kanyang trabaho. At ‘di rin naman lingid sa lahat na nagkasakit pa siya.

“Nagpunta ako sa Japan hindi lang dahil birthday ni Gerald. May karapatan naman akong magbakasyon at pumunta kung saan ko gustong pumunta. May karapatan din ako na gawin ang gusto kong gawin.

Hindi ba pwede na ‘yung karapatang pantao ko muna bago ang iba? Nag-abroad ako, una muna sa sarili ko, and then, birthday ni Gerald,”  sabi ni Ai Ai.

Bakit daw kailangan na parati pera at edad ang isyu sa kanya pagdating sa karelasyon niya? “Hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko pero maganda naman ako.

Mabait akong asawa. Nagkataon lang na hindi ako naging maswerte sa huli kong karelasyon,” na ang tinutukoy  ay si Jed Salang. Wala naman daw taong gugustuhin na ang relasyon nila ay tumagal lang ng 29 days.

Tulad ng marami, gusto rin niya na pang-happy ever after ang relasyon niya. Pero hindi nga ganoon ang nangyari. Kaya sa mga nanghuhusga sa kanya sa relasyon niya kay Gerald, magisip-isip daw muna sila.

“Unang-una, niligawan niya ako. Hindi ako naglandi sa kanya. Hindi ko nga siya kilala. Akala ko varsity player siya. Member ng National Team ng Pilipinas si Gerald.

At ipinakilala siya sa akin ng friend niya na anak ng may-ari ng badminton court, mayaman,” sabi niya. Dagdag pa ni Ai Ai, “May talent si Gerald, matino, disente. Hindi siya basura.

At ako, disente akong babae. Hindi lang ako sinwerte sa lalaki.” Kaya tigilan na raw ang pagsasabi na pera ang  pantapat niya sa pagmamahal ng lalaki at matanda na siya para kay Gerald, “Ano bang problema sa edad ko? Matanda ako, pero hindi 90 years old. Mas matanda ako kay Gerald pero hindi ako hukluban.”

At kung tutuusin, hindi naman batang-bata si Gerald. He just turned 22 or 23, kung hindi kami nagkakamalai, noong Nov. 30. Bonifacio Day, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Then, we asked her kung ano ba talaga ang birthday gift niya kay Gerald. Eto ang sabi ni AiAi, “Pagmamahal.” Kabog!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending