Xian hiyang-hiya na kaya umatras sa teleserye nina Jericho at Maja | Bandera

Xian hiyang-hiya na kaya umatras sa teleserye nina Jericho at Maja

Reggee Bonoan - December 06, 2014 - 03:00 AM

xian lim
SUNUD-SUNOD na text message ang natanggap naming mensahe kahapon – totoo nga bang  umatras na raw si Xian Lim sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Bridges na pagbibidahan din nina Jericho Rosales at Maja Salvador?

Si Xian ang pumalit kay John Lloyd Cruz sa nasabing soap drama matapos lumabas ang balitang nagkaproblema si Lloydie sa kontrata niya sa ABS-CBN.

Matatandaang nasulat na inaabot daw ng 34 takes si Xian sa mga eksena niya sa Bridges kaya inis na inis sa kanya ang buong production at ang mga kasamahan niyang artista sa proyekto.

Pero itinanggi na ito ang aktor, wala raw itong katotohanan – OA naman daw ang  balita. Nabalitaan din namin na pati raw ang co-actor niyang si Edu Manzano ay inaalalayan na rin siya sa ilang eksena dahil gusto na nitong umuwi.

Paulit-ulit daw kasi ang mga eksena nila dahil hindi diumano makuha nang tama ng ka-lovetam ni Kim Chiu. Kaya nga raw sobra ang panghihingi ng paumanhin ni Xian sa kanyang mga kasama sa soap.

At ang balita nga napag-isip-isip daw ng aktor na hindi talaga niya kakayanin ang mabibigat na eksenang gagawin pa niya sa mga susunod na taping kaya nagpasabi raw ito na umuurong na siya sa programa.

Oo nga, mabibigat ang mga eksena nila sa Briges, dahil para nga dapat kay Lloydie ang papel niya.  Ayon sa nakarating sa aming balita, as of now ay naghahanap na ang production ng Bridges kung sino ang puwedeng ipalit kay Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending