Julie Anne inalipusta ng bashers: tinawag na babalinang tibo | Bandera

Julie Anne inalipusta ng bashers: tinawag na babalinang tibo

Alex Brosas - December 05, 2014 - 03:00 AM

JULIE ANNE SAN JOSE

JULIE ANNE SAN JOSE

Fans of Kapamilya stars continue to bash Julie Anne San Jose. They’re calling her names, bad names.

Pero ang tila hindi niya talaga tinatantanan ay ang pagtawag ng “Baba” kay Julie Anne. It was as if walang kapintasan ang mga idolo nila. Meron ding nagsabing tibo raw ang Kapuso artist. Kaya naman ilang fans nina Julie Anne at ex-partner niyang si Elmo Magalona ang nagtanggol sa dalaga.

Also, Robby Tarroza, producer of Julie Anne’s “Hologram” concert, came to the defense of the Kapuso actress. Siguro ay nabanas na siya sa tila walang patumanggang panlalait sa singer kaya naman rumesbak siya.

“Baka gusto nyo ibulgar ko lahat ang plastic surgery na pinagawa ng idol nyo, baka magulat kayo! Julie Anne has never had plastic surgery!” say ni Robby sa kanyang Twitter account.

Oo nga, si Julie Anne na nga lang yata ang untouched ng siyensya. Halos karamihan sa mga celebrities lalo na ang Kapamilya stars ay pawang salamat-po-doktor beauties. Obvious na obvious ang kanilang ipinaretoke sa ilang before and after photos na aming nakita sa social media. Ang dami talagang nabago sa kanilang hitsura.

Usung-uso ang retoke ngayon kaya nga usung-uso ang mga PLASTIKADA. Ang nakakaloka, wala halos umaamin na nagparetoke sila.

Ang feeling namin ay talagagang pinagkakaperahan lang ang mga artistang nagpaparetoke. Ginagawa lang silang katawa-tawa dahil kitang-kita naman ang mga ipinagawa nila dahil ibang-iba na ang itsura nila noon kesa ngayon. Ang the height, todo deny pa ang ilan sa kanila na nagparetoke!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending