Jasmine nakipag-ayos kina Daniel at Kathryn

JASMINE CURTIS-SMITH, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

JASMINE CURTIS-SMITH, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DIRETSONG kinausap ni Jasmine Curtis sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para linawin ang tungkol sa kumalat noong “audio scandal” kung saan nga nadamay siya sa kontrobersiya.

Inamin ng sister ni Anne Curtis na talagang nahirapan siya sa pagharap sa nasabing iskandalo, grabe ang ginawang pamba-bash sa kanya ng KathNiel fans nang lumabas ang chika na type na type raw siya ni Daniel, base nga sa kumalat na “audio scandal”.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkules, sinabi ni Jasmine na matapos kumalat ang isyu, ang una niyang ginawa ay ang maghanap ng way para makausap agad ang mga taong involved sa kontrobersiya.

“Siyempre po noong una, nahirapan ako, but I had the advice of the right people. I had the right people around me. Ang maganda, hindi ako nahirapan i-approach ‘yung mga taong kasama doon sa isyu na ‘yon,” anang girlfriend ni Sam Concepcion.

Dagdag ni Jasmine, “Sinigurado ko na nakausap ko silang lahat, na kahit papaano, naka-reach out ako para maayos ‘yon. Kahit sa amin man lang, ‘yung mga pangalan na nasama doon sa isyu.”

Natutuwa rin ang dalaga na nagkaayos na rin sina Kathryn at Daniel. At siniguro rin niya sa fans ng Teen King and Queen na vert professional lang ang relasyon nila ni Daniel na kasama nga niya sa MMFF 2014 entry na “Bonifacio” na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Ani Jasmine, happy siya sa piling ni Sam Concepcion kaya walang dapat ikabahala ang supporters nina DJ at Kath. Tsaka naniniwala kami na walang lahing ahas si Jasmine para agawin niya si Daniel kay Kathryn.

Read more...