Xian natameme nang tanungin kung nag-I love you na kay Kim

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

Kahit hindi diretsong sinagot nina Kim Chiu at Xian Lim ang tanong ni Kris Aquino sa isang episode ng Kris TV kamakailan, gets na gets na ng mga manonood na talagang walang “something” na namamagitan sa kanila kundi pure friendship.
Kris asked the two kung nagsabihan na sila ng “I love you” sa isa’t isa, hindi agad nakasagot ang dalawa at kung anu-anong palusot ang sinabi sa interview. Inamin naman ng magka-loveteam na napakahirap sagutin ng tanong ni Tetay.

Kaya iisa ang reaksiyon ng mga nakapanood ng nasabing episode, wag nang umasa ang kanilang fans na magiging sila sa totoong buhay. Sey ng isang nag-comment, “Ipilit ba kasi talaga?! Obvious na hindi nila type ang isa’t isa. But I believe they are really good friends, nothing more!”

Kaya nang sabihin nina Xian at Kim na hindi nila isinasarado ang kanilang mga puso para sa isa’t isa ay wala nang naniwala. Ani Xian, “Gusto namin very solid yung foundation. If you guys know each other well, nothing can go wrong.”

Well, sabi nga nila, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari in the future, kaya malay naman natin bigla nilang ma-realize na sila pala talaga ang itinadhana, di ba?

Pero kung kami ang tatanungin, base sa mga kilos at tinginan nina Kim at Xian, naniniwala kami na wala talaga silang nararamdamang somethine para sa isa’t isa. Walang malisya ang friendship nila.

Kahit sa nakaraang interview nila sa Gandang Gabi Vice kamakailan, kahit na naglalandian at naghaharutan sila, ramdam namin na “just friendship” ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Read more...