Horoscope, December 05, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan ay isang kaibigan ang may iaalok na pagkakakitaan – sunggaban agad. Pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, sa isang Gemini matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Red at violet ang buenas.  

Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang maging mainitin ang ulo. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, habang nagpapakabait lalong sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Orange at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sa iyo na nagiging dahilan upang bumagal ang dating ng pera. Sa pag-ibig, iwasan ang mga imoral at iligal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.”  Blue at magenta ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa pinansyal at pag-ibig, habang nangungulila sa kasuyo ay lalo namang madadagdagan ang salapi. Sa dakong hapon hanggang gabi ay may isang hindi inaasahang romansang magaganap. Mapalad ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Yellow at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Magkakaroon ng malaking halaga kung lagi kang didikit sa isang Capricorn. Kapag nagkapera, paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang pamilya. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang ginagawang paglalaan ng oras sa page-exercise, para magpa-sexy. Mahirap talaga ang tumataba lalo na’t magpapasko pa naman. Habang gumaganda ang hubog ng katawan, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyong sa iyo ay takam na takam. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Sa pinansiyal, paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ay ipalasap sa  kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Green at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Lingid sa iyong kaalaman ay maraming humahanga sa iyo! Sa unang araw ng Simbang Gabi ay may magandang regalong matatanggap buhat sa isang secret admirer. Mapalad ang 6, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi mo napapansin na inuuto at sinasamantala ka lang nila? Ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong ka ring magalit upang hindi sila umabuso. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Green at black ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi ka dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong diyan ka kumikita ng pera. Sa pag-big, hindi rin dapat pagsawaan ang kasuyong Gemini, alalahanin mong sa kabila ng lahat ay napagtiyagaan ka niya. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Iwasan ang isang hangal na pag-ibig hatid ng isang nilalang na medyo chubby o mataba. Sa pinansyal, wag ubusin lahat ang perang hawak sa maluhong Holiday Season. Ngayon pa lang paghandaan mo na ang Valentine’s Day. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Silver at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—May bababala ng karamdaman. Pahinga muna sa tabaho. Maglibang o makinig ng musika habang nagpe-Facebook.  Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala dahil may babala na ikaw ay mapahamak. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob ay walang mangyayari! Tama ang kasalukuyang ginagawa—maging matapang! Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang mapagwagian ang puso ng minamahal. Mapalad ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ava-Yara-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Read more...