Horoscope, December 04, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Alalahaning hindi kailangan ang mamahaling regalo ngayong papalapit na ang pasko, ang mahalaga tatlong beses sa mag-hapon i-text mo siya ng “I Love you”. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om.” Blue at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi mo tatapusin ang mga nakabinbing gawain matatabunan ka na naman. Sa pag-ibig, “laylo” muna sa minamahal, ang mga bagay na may kaugnayan sa career ang mas dapat munang pahalagahan. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” White at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang madagdagan ang income, umpisahan na kaagad ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, panahon na upang pahalagahan ang ibinibigay sa iyong pagmamahal ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 16, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Green at lilac ang buenas

Gemini – (May 21-June 21)—May babala ng karamdaman. Uminom ng maraming fruit juice at kumain ng masustansyang gulay. Kailangan rin ang regular na ehersisyo. Bumili ng bagong bike at mag-bisikleta tuwing umaga. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Every day in every way I am getting better and better!” Pink at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Umiwas sa pakikipagtalo, may isang nilalang na mainitin ang ulo ang magpapahamak sayo.  Sa mga walang kibong nilalang  ka makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Aum.” Orange at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag kang kuwento ng kuwento ng kung ano-ano, minsan mas mainam na ikaw naman ang makinig sa kanya. Mapalad ang 1, 10, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Isulat sa malinis na papel ang mga bagay na maaaring makapagdagdag ng  kita para sa susunod na taong 2015. Sa pag-ibig ngayon palang pag handaan na ang pakikipag-date sa kasuyo sa darating na kapaskuhan, sa pribadong silid ang magandang hantungan. Mapalad ang 5, 19, 23, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Blue at silver ang buenas

Libra – (September 23-October 23)—Wag ikalungkot kung papaubos na ang pera, sa susunod na mga araw kusa uling madadagdagan ang income.  Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at yellow  ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Magisip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain ngayong kapaskuhan kung magiging malikhain lamang ang iyong isipan. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang iyong kinikita.  Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa panahong ito ng kapaskuhan mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Biglang darami ang mahahawakang pera, hindi mo ito dapat ubusin, paabutin hanggang sumapit ang susunod na taong 2015. Sa  pag-ibig may isang hindi inaasahang romansa na magaganap. Mapalad ang 7, 18, 22, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Iwasan ang pagiging dominante. Hindi mo dsapat na underin ang kasuyo upang hindi siya mahumaling sa iba. Sa pinansyal, maging maluwag sa mga tauhan, upang hindi ka nila kamuhian. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kalimutan ang mga pangit na nagdaan. Pagandahin ang kapaligiran upang mahigop ang masaganang kapalaran. Bukas ng umaga magsabit na ng mga pang-Christmas décor. Sa pag-ibig, umiwas sa mga panget upang gumanda na ang love life. Mapalad ang 1, 8, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa padaskol-daskol na pagkilos, pagkaubos ng pera ang kasunod. Sa pag-ibig, iwasang apurahin ang pakikipag-romansahan sa kasuyo. Sa dahan-dahan lang at unti-unting haplos lang ang dapat upang mas magiging mainit ang pagniniig. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” Pink at red ang buenas.

Read more...