ITO ang isang headline kahapon tungkol kay Kris Aquino: “Kris sa Lovelife ni Coco: Ayaw kong makialam, para hindi niya pakialaman yung sa akin.”
Susmaryosep, huwag daw pakialaman yung sa kanya!
Bakit naman? Marami nang nakialam diyan, ah.
Dahil naumpisahan natin ng joke ang column na ito, ngayon sasagarin na natin ng mga jokes.
Heto na.
Bata: Tatay, may baril ang boyfriend ng Ate.
Tatay: Ha? Bakit mo alam?
Bata: Kasi, nasa kuwarto silang dalawa nang marinig ko silang nag-uusap. Sabi ng Ate, “Hoy, huwag mong iputok yan sa loob at patay ako.”
Isang Batangenyo ang binasted ng kanyang nililigawan.
Napahiya ang lalaki sa pagkakabasted sa kanya.
Sinabi niya sa babae, “Ala eh, buti naman at binasted mo ako, dahil nagbibiro lang naman ako sa panliligaw sa iyo.”
Dalawang magkumare na taga-Taguig ang naglasingan sa isang bar sa tabi-tabi.
Marami silang pulutan na nakain.
Nang pauwi na sila sa kanilang mga bahay, dinatnan sila ng tawag ng kalikasan.
Tamang-tama naman at malapit sila sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio kaya’t doon sila pumunta at magbawas.
Ang kaso, wala silang pamunas.
Ang isa ay naghubad ng kanyang panty at ginawa itong pamunas.
Yung isa naman ay ayaw gamitin ang kanyang panty dahil bago ito kaya’t naghanap ng pamunas sa sementeryo ng mga sundalo.
Nakahanap ito ng ribbon sa isang puntod at siya nitong pinamunas.
Kinabukasan, nag-usap ang mga mister ng dalawang babae.
Mr. 1: Pare, palagay ko nanlalaki ang iyong kumare.
Mr. 2: Ha? Bakit mo naman nasabi yan, pare?
Mr. 1: Kasi, nang umuwi si kumare mo kagabi, lasing na lasing at walang panty.
Mr. 2: Ay, mas grabe ang ginawa ng kumare mo kagabi.
Mr. 1: Bakit anong ginawa ng Misis mo kagabi?
Mr. 2: Lasing na lasing at bumulagta na lang sa kama ang kumare mo. May nakasabit na ribbon na nakaipit sa kanyang panty.
Mr. 1: Anong ribbon?
Mr. 2: May nakasulat pa sa ribbon. Ang sinasabi sa ribbon, “We will never forget you. Men from the 24th Infantry Battalion.”
Tatay: Sendong, kunin mo kay Pareng Ador yung kawali natin at di na isinauli mula nang hiramin niya ito noong isang buwan.
Sendong: Mang Ador, sabi ng itay ay kukunin ko raw yung kawali.
Mang Ador: Uy, Sendong, ang laki mo na! Anong ang grado mo, hijo?
Sendong: Nasa college na po ako ngayon.
Mang Ador: Ano naman ang kinukuha mo?
Sendong: Yun nga pong kawali.