Manoy wala pa ring kupas, di nagpatalbog kay Ryzza Mae

eddie garcia
Buong-pusong tinanggap ng mga manonood ang regalong Christmas TV special ng ABS-CBN na Give Love On Christmas.
Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Dis. 1), wagi ang pilot episode ng unang kwento ng Give Love on Christmas na pinamagatang The Gift Giver dahil sa nakuha nitong national TV rating na 12.9% o apat na puntos na kalamangan kumpara sa katapat nito sa GMA na The Ryzza Mae Show (8.6%).

Samantala, tiyak na mas mapapamahal ang mga manonood sa The Gift Giver ngayong natuklasan na ng mga anak ni Tatay Ernest (Eddie Garcia) na mayroon siyang malubhang sakit.

Paano babaguhin ng kalagayan ni Tatay Ernest ang samahan ng kaniyang mga anak na sina Julie (Dimples Romana), Eric (Carlo Aquino), at Rose (Aiko Melendez)? Mahahanap ba ng magkakapatid sa kanilang mga puso na patawarin ang kanilang ama bago maubos ang panahon nito?

Ang Give Love on Christmas ay ang Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Give Love on Christmas mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Read more...