Selos ka na ba Mariel…Vina kinikilig pa rin kay Robin

robin padilla
Halatang ingat na ingat si Vina Morales sa mga isasagot sa entertainment press kapag natatanong tungkol sa kanila ni Robin Padilla, siyempre, ayaw niyang may masabing makaka-offend sa asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez.

Muling magtatambal sina Vina at Robin sa MMFF 2014 entry na “Bonifacio” kaya inaasahan na raw ng aktres ang pang-iintriga sa kanila lalo pa’t alam naman gn buong mundo na nagkaroon sila ng relasyon noon.

Sabi nga ni Vina sa isang interview, “Ako naman, ini-expect ko na iyan kung magkakaroon ng issues. I also expect that, hindi naman mawawala iyon siguro dahil sa mga intriga na hindi maiiwasan.

But I’m not really close to her (Mariel) kasi, e. We never became like really close friends.”  In fairness naman kay Mariel, hindi ito nakialam o naging epal sa pagbabalik-tambalan ng kanyang asawa at ni Vina.

Sa katunayan, hindi raw ito pumupunta sa shooting kapag ang kukunan ay ang mga eksena ng mag-ex. Nagpapasalamat nga ang sisteraka ni Shaina Magdayao dahil inaprubahan ni Mariel ang balik-tambalan nila ni Robin.
Inamin naman ni Vina na walang masyadong nagbago kay Binoe, siyempre, gentleman pa rin ito at napakabait sa lahat ng mga katrabaho.
At siyempre, meron pa rin daw kilig paminsan-minsan pero aniya, “Nandodoon pa rin naman yung kilig, but there’s always a limit, ‘di ba?”

Read more...