Jennylyn mabiktima rin kaya ng kakaibang kamandag ni Derek?

jennylyn mercado
UMAAPAW sa walang humpay na nakakikiliti at nakaka-in love na away-bati na eksena na nauwi sa romansahan ang ultimate romantic-kilig movie of the year na “English Only Please”!

Sa unang pagkakataon, magsasama sa big screen sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay kung saan lumutang ang chemistry nila sa pelikula na lalo pang  pinatingkad pa ng husay at talento nila sa pagpapatawa.

No doubt, ang “English Only Please” ang isa sa inaabangang entries sa 2014 Metro Manila Film Festival dahil sa nakakatuwa nitong kuwento na sinangkapan pa ng magandang direksyon ni Dan Villegas na gumawa ng acclaimed indie film na “Mayohan” starring  Lovi Poe.

Sa unang teaser pa lang na inilabas ng Quantum Films sa social media, humamig na ito ng  dagsa-dagsang positibong komento na nagtuluy-tuloy nang ilabas na ang official trailer ng movie sa social media.

Sa kuwento, lumipad patungong Maynila galing New York City si Julian  Parker (Derek) upang pagbutihin ang pag-aaral ng Filipino. Magpapaturo siya ng Filipino sa tulong ng isang mataray na Filipino-English tutor on line for hire.

Gustong ipamukha ni Julian sa kanyang half-Pinay ex-girlfriend (Isabel Oli) ang galing niya sa Filipino kapag sinabi niya sa dating nobya ang translation ng galit niya sa ginawang sulat para sa kanya.

Sa mabagsik pero napakahusay na Filipino-English tutor na si Tere Madlansacay bumagsak si Julian. Proud siya sa achievements niyang nakapagturo ng Filipino sa iba’t ibang lahi ng English and/or Filipino sa mga Amerikano, Fil-Ams, Koreano.

Nagbago ang pananaw sa buhay ni Tere nang magkita sila ni Julian. Ang simpleng teacher-student relationship ay nabahiran ng pagkakaibigan ng hilingan si Tere ni Julian na tulungan siyang hanapin ang dating girlfriend.

Hanggang sa naramdaman nila ang damdaming nangyayari na lang at hindi na kailangang i-translate – ang pag-ibig!
“It’s a perfect match! Suwabeng-suwabe ang kanilang chemistry sa screen!”

“Ang sarap nilang panoorin!  Nakaka-in love silang dalawa! Silang dalawa na sana ang magkatuluyan!”  Ilan lang ‘yan sa mga positibong komento sa unang pagsasama sa big screen nina Jen at Derek. Cute, di ba?

Eh, game na game naman ang dalawang bida sa mga nakakakiliting eksena. Maging sa kanilang kissing scene, ramdam na ramdam ang pag-ibig!

Dagdag na atraksyon pa ng “English Only Please” ang love scene nina Jennlyn at Derek. Biro nga lang ng aktor, “Nanibago ako sa love scene namin ni Jen. You’ll just feel it.

Hindi intense gaya sa past movies ko but it’s unforgettable! Ha-hahaha!” Saksi ang director ng movie na si Dan Villegas sa ipinakitang husay nina Jen at Derek sa movie.

Effortless daw kasi ang akting nila sa pagpapakilig at pagbibigay ligaya sa bawat eksena. Showing na ang “English Only Please” sa Dec. 25 bilang bahagi pa rin ng 2014 MMFF mula sa Quantum Films.

Meanwhile, tulad ni Derek, single pa rin si Jennylyn ngayon. When asked kung posible bang maging sila ni Derek one day, ayaw magsalita nang tapos ni Jen. Wala naman daw nakakaalam kung ano ang mangyayari sa ating future.

Read more...