Cagayan Valley, MP Hotel maghaharap

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. MP Hotel vs
Cagayan Valley
2 p.m. AMA University vs Jumbo Plastic
4 p.m. Tanduay Light vs Wangs Basketball
Team Standings: Hapee (5-0); Cagayan
Valley (4-0); Café France (4-1); Jumbo Plastic (4-2); AMA (3-3); Cebuana Lhuillier (3-3); Wangs
Basketball (2-2); Racal Motors (2-4); Bread Story (2-4); MP Hotel (1-4); Tanduay Light (1-4); MJM Builders (1-5)

ASAHAN ang mas mabangis na paglalaro galing kay 6-foot-7 Moala Tautuaa sa pagharap ng Cagayan Valley sa MP Hotel sa 2014-15 PBA D-Laague Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Tautuaa ay galing sa pagtala ng 25 puntos, pitong rebounds at tatlong assists nang igiya ang Rising Suns sa 89-84 double overtime panalo sa Café France sa huling laro na nangyari 13 araw na ang nakalipas.

Ang bakasyon ay tiyak na ginamit ng number one rookie pick para masanay ang sarili sa pisikal na laro sa liga. Hindi malayong katawanin ng Warriors ang Fil-Tongan para mapigil ito at gumanda ang kanilang tsansa na mapag-ibayo ang kasalukuyang 1-4 baraha.

Pakay ng AMA University ang ikatlong sunod na panalo para maitaas ang kasalukuyang 3-3 baraha sa pagbangga sa Jumbo Plastic sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.

Read more...