Michael Best New Male Artist sa Aliw Awards

michael pangilinan
NASA Cloud 9 ngayon ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala nating si Michael Pangilinan dahil after ng kaniyang matagumpay na 19th birthday concert sa Music Museum last Nov. 26 ay hinirang naman siya bilang Best New Male Artist sa nakaraang 27th Aliw Awards na ginanap sa Newport Theater and Performing Arts ng Resorts World last Dec. 1.

Ang Aliw Awards Foundation ang siyang longest-running legitimate award-giving body that recognizes the talent and excellence ng live performing artists sa music and theater sa bansa.

And this is Michael Pangilinan’s second nomination as a singer-performer and this time ay nakuha niya ang napakailap na tropeo for Best New Male Artist.

“Nasa backstage ako that time preparing for the segment kung saan I was about to present an award nang tawagin ang name ko. Hindi ko actually narinig na tinawag ako as winner.

Sinabihan ako ng isang floor director na pumunta sa stage dahil nanalo nga ako. Nanginginig ako, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat.

“First time ko kasing tumanggap ng trophy sa tanang buhay ko. Kaya sobrang saya ko, hindi ko ma-imagine na nasa gitna na ako ng entablado thanking people who have helped me sa singing career ko.

Thank God, thanks to Aliw Awards for believing in me. Thanks to all my supporters – to my family – to you, my Nanay Jobert na nagtaguyod sa akin sa larangang ito.

“Kay Tatay Germs (German Moreno) na kauna-unahang naniwala sa akin right after matalo ako sa X-Factor Philippines. Thanks to Star Records for the overwhelming support.

To Tito Joven Tan para sa awiting ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’, kung hindi dahil sa kanta niyang ito ay baka starlet pa rin ako hanggang ngayon. He-hehehe!

“Napakalaking bagay para sa akin ang maging interpreter sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs competition na iyon, it made me whole as a singer – as an artist.

Seriously, gusto ko rin talagang pasalamatan ang members of the press na walang-sawang sumusuporta sa bawat proyekto ko – sa lahat ng producers and sponsors ng mga concerts ko.

“Sa mga Michael’Overs, how can I thank you enough? Itong Aliw Award na ito ang siyang magbibigay sa akin ng insiprasyon to do better. It’s a humbling experience indeed!” ani Michael right after winning his first award.

Ngayon ay busy ulit si Michael, a lot of shows are in tow. Hopefully ay mas matutupad pa ang pangarap ni Michael dahil bigger opportunities are lined-up for him in the next days – a second album from Star Records – three Valentine concerts in February, 2015, a Canada and US tour in March, a few endorsements – among others.

Sana ay tumuloy-tuloy na ang mga ito for Michael. He added, “Super-excited naman ako this time sa nalalapit kong first-ever trip abroad. Yes, I am joining the Gabay Guro group ng PLDT sa Kuala, Lumpur, Malaysia this coming December 14.

Kakanta kami para sa mga kababayan nating guro sa Malaysia. Wish me luck.” Congrats to you, Michael. Just go on. Being an awardee is a big responsibility – that’s a reminder.

Anyway, Michael is still a regular of KrisTV (once a week on it’s musical segment), as co-host of DJ Cha-Cha on MOR 101.9 (Tuesdays) and Walang Tulugan sa GMA on Saturdays.

By the way, you can hear Michael with Morisette Amon sa MOR 101.9 every hour dahil sila ang kumanta ng Christmas Jingle nito.

Read more...