Sigaw ng madlang pipol: Lea malupit, reyna ng nega

lea salonga
KASUMPA-SUMPA raw ang nagiging attitude ngayon ni Lea Salonga, and that’s according to her bashers. Masyado raw kasing nagmamaganda ang The Voice of the Philippines coach.

Ayon sa mga nabasa naming mensahe sa social media tungkol sa pagtataray daw ni Lea laban sa isang fan na nagpasok ng camera sa ooob ng studio ng The Voice, masyado naman daw hindi makatao at hindi makatarungan ang suggestion nito na i-ban na ang nasabing studio audience sa nasabing programa.

Ayon kasi kay Lea, hindi raw tama ang ginawa ng nasabing fan dahil alam naman daw nito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng camera sa loob ng studio, at mas lalo na ang kumuha ng mga picture habang on-going ang taping.

Idinagdag pa ni Lea na kahit nga raw ang mga invited artists sa taping ng The Voice ay nag-surrender din ng kanilang video-recording devices bago makapasok sa studio.

Kaya ang sabi ng The Voice judge dapat daw ay parusahan ang nasabing fan at ma-blacklist ito sa ginawa niyang paglabag sa regulasyon ng programa.

At dahil nga rito, marami ang nagalit kay Lea at sinabihan siyang diktador at malupit sa fans. Sobra-sobra na raw ang kanegahan nito sa katawan at inakusahan pang nagme-menopause na.

Pero siyempre, rumesbak ang singer, ayon sa kanyang tweet, “…People that don’t know the whole story will fill in the blanks. Don’t assume that the topic of my tweets are what you think they are. Unless I explicitly say something.”

Nagpasalamat naman siya sa mga nakakaintindi sa kanyang saloobin, “So to everyone that understood where I was coming from, thank you. Much appreciated. I know that not everyone will get me.”

Read more...