Pacman campaign vs corruption totoo sana

MAY isang bagong page sa Facebook na ang tawag o pangalan ay Pinoy Anti Corruption Movement Alliance Network o PACMAN in short.

Kung susuriin ang mga post dito at kung sino ang nag-aanyaya, mismong si Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao ang namamahala rito.

Nasabi ko ito dahil ilan sa mga post dito na mga larawan ay mga pang-personal o pang-pamilya lamang.
Alam ng lahat na bukas sa publiko ang buhay ng Pambansang Kamao.

Hindi yung mga family pictures at personal management ni Pacquiao ng naturang account ang gusto kong talakayin.
I am zeroing in on the campaign itself and the very person whose name is used to push for such campaign-Pacquiao himself.

Kung ang Facebook page na ito ay kay Pacman nga, malaki ang inaasahan sa kanya.

Alam ng buong mundo kung ano na ang narating ni Pacquiao bilang boksingero. Matatagalan pa bago makasumpong nang

tulad ni Pacquiao na tila lahat ng bagay na gawin ay nag-iiwan ng inspirasyon.

Maging sa kabiguan, ipinakita niya ang tagumpay ng pagbalikwas, pagbangon at pagpapatuloy lamang sa daang kanyang tinatahak. The tiger in Manny never left. A tiger is always a tiger, tahimik man o mabangis sa kanyang laban.

Iba ang boksing, iba ang kampanya laban sa katiwalian. Marami ang nagtangka ngunit marami na rin ang nabigo lalo na sa dakong ito ng mundo, lalo na sa umiiral na sistemang politics of patronage sa Pilipinas.

Dahil nalalapit na ang 2016 elections, marami ang magsasabing, ah pulitika lang yan lalo pa’t nasa tabi ngayon ni Pacquiao si Vice President Jejomar Binay na hayag na hayag ang ambisyong maging pangulo ng bansa.

There is no doubt, the group is politics related specifically geared towards the 2016 Elections. But Pacquiao, the world icon and the Filipino’s symbol of endless possibilities can actually turn this into an honest to goodness campaign against the gigantic problem of systemic corruption in government.

Pacman the politician is still relatively clean and free of issues of corruption up to now. Malaking bentahe ito ng kredibilidad kung ito ay tapat at seryosong kampanya.

Dito dapat suriin ng Pambansang Kamao ang paggamit sa kanyang pa-ngalan sa isang kampanya na nanaisin ng marami.

Kung tatahak siya sa landas na ito, dapat niyang suriin ang kanyang mga taong sasamahan.

Ang isang kampanya ay mas magiging kapani-paniwala kung kakikitaan ng kaibahan ng hakbang sa simula pa lamang.

Kaya ni Pacquiao na gumuhit ng isang daraanang hindi pa nadaraanan ng mga pulitikong matagal na nating kilala.

Ang pangalang Pacquaio o mas kilala sa Pacman, aminin man o hindi, kilalanin man o hindi ay sumisimbolo at nagbibigay diin sa salitang pag-asa kakambal ng mga salitang, kaya naman pala, puwedeng gawin, balikwas, sulong, sige lang.

May Pacman’s name used in an anti-corruption movement serve the people’s interest and not the few wolves dressed in sheep’s clothing.

Read more...