Derek na-trauma: Parang medyo takot ako sa mga babae ngayon!

 

PAREHONG inatake ng nerbiyos sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa kissing scene nila sa pelikulang “English Only Please”, isa sa mga official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, showing on Dec. 25.

Pareho ring first time nina Jennylyn at Derek na magbida sa isang romantic-comedy na pelikula kaya siguradong magugulat ang madlang pipol sa mga nakakalokang eksena nila sa movie.

Sa presscon ng “English Only Please” kanina, tinanong sa dalawang bida ng pelikula tungkol  kissing scene nila. Balita kasing inatake sila ng grabeng nerbiyos nang kunan na ang mga eksena nilang may halikan.
Sey ni Derek, iba raw kasi dapat ang atake ng kissing scene sa movie, though sanay na siya sa mga ganitong eksena sa mga past drama movies niya, “Dito kasi, dapat may kilig, medyo sweet, so ibang-iba sa past movie ko na palaban.”
Ayon naman kay Jennylyn, “Nu’ng una talaga (kinunan ang kissing scene), kabado ako, siyempre, first time namin ni Derek magsama, pero after that, okay na naman kaya tuluy-tuloy na, wala nang ilangan.”
Inamin din ng dalawa na lumalabas sila kapag break nila sa shooting, pero kasama nila ang ilang kasamahan nila sa production. Sey ni Jen, wala naman daw malisya ‘yun, as in talagang super friends lang sila ni Derek ngayon.
Pero aniya, ayaw niyang magsalita nang tapos kung posible bang maging sila in the future. Pero diretsong sinabi ni Derek na napatunayan niyang super sexy talaga ni Jennylyn.
Ito’y matapos nga niyang masaksihan ang eksena ng Kapuso actress kung saan kinailangan nitong magsuot ng bathing suit. Sabi nga ng hunk actor, “Yes, she’s really hot!”
Ang “English Only Please” ay tungkol kay Julian Parker (Derek) na umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika kung saan kailangan niyang maghanap ng isang Filipino-English tutor para siyang magbasa sa Tagalog ng kanyang “galit na galit” na sulat para sa Pinay girlfriend na si Megan.
Dito niya makikilala ang iba’t ibang uri ng Filipino tutor, hanggang sa makilala nga niya si Tere Madlansacay (Jennylyn) na siyang magpapabago sa kanyang masalimuot na buhay.
Makakasama rin sa “English Only Please” sina Tom Rodriguez, Isabel Oli, Kean Cipriano, Cai Cortez, ang Kapuso child star na si Lenlen Frial, Lyn Cruz, Ian de Leon, Jeffrey Hidalgo, Alex Medina, Alcris Galura at Quark Henares.
Ito’y mula sa Quantum Films at showing na nga sa Dec. 25 bilang bahagi ng MMFF 2014. Sabi ng ilang netizens na nakapanood na ng trailer, malaki ang laban nito sa darating na MMFF dahil nag-iisa lang itong rom-com entry.
Read more...