Joyce Bernal kay Vic: Wala siyang tawad-tawad sa talent fee ko, ha!

vic sotto
Pinag-aagawan pala ng mga producer si Direk Joyce Bernal kapag sumasapit ang Metro Manila Film Festival. Noong 2013 ay tatlong pelikula sana ang ididirek ni direk Joyce, ang “My Little Bossings”, “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” at “10,000 Hours” pero base sa regulasyon ng MMFF ay isang pelikula lang dapat sa bawa’t direktor.

Ang pinili ni direk Joyce ay ang movie ni Robin Padilla na “10,000 Hours”. Ikinuwento namin ito ay dahil ayon kay direk Joyce sa grand presscon ng “My Big Bossing” ni Vic Sotto na entry this year sa MMFF, maaga palang ay kinausap na siya ni Mr. Tony Tuviera (APT Entertainment) at bossing Vic na siya nga ang kukunin nilang direktor.

Nabanggit din na may iba ring gustong kumuha sa serbisyo niya pero nagsabi si direk Joyce na may natanguan na siya. Unang beses magkakatrabaho sina direk Joyce si Vic kaya tinanong namin ang experience niya kung paano katrabaho ang TV host-comedian.

“Si bossing, madaling kausap, hindi tumawad sa talent fee ko, wala akong masyadong hiningi sa produksyon kasi ibinigay na nila.  “Alam nila ‘yung scope ng movie at napakasarap ng food sa set.

Napaka-cool niya at considerate, ‘yan ang boss!  Kaya siya tinawag na bossing dahil du’n,” papuri ni direk kay Vic.

Read more...