Bashers kay Kim: Wala kang kasawa-sawa! Nakakahiya ka!

kim chiu

SOME fans talaga sobrang OA kaya pati ang idol nila ay nadadamay sa kanilang kabulastugan. When one fan of Kim Chiu posted on Facebook the super habang pila sa isang mall sa Davao and made it appear na para ‘yon sa latest movie ng dalaga na “Past Tense”, marami ang nag-react especially na i-report iyon ng leading lady ni Xian Lim.

It appears pala na hindi para sa “Past Tense” ang pila kundi para sa Teatro Ateneo movie ng Ateneo de Davao. Actually, hindi naman kasalanan ni Kim ang pangyayari dahil meron lang nag-post and she was probably excited to share it to her fans, not knowing na hindi pala sa movie niya ang napakahabang pila.

Kaya lang, sa kanyang ginawa ay siya ang pinagbalingan ng mga bashers. They took it to mean na sinadya niya iyon para palabasaing super blockbuster ang  kanyang latest movie with Xian.

“Laging ganun ang alibi? Walang kinalaman si Kim Chiu? Katatapos lang ng bilihan ng award, may kasunod agad na kapalpakan? Enebeyeen! #IhateLIERS.”

“Not Kim’s year isn’t it? Una yung bogus Best Actress award niya tapos ito mismong people testifying na hindi film nya pinipilahan! better luck next year?”

“Pag nabuko honest mistake! lol! E gawain nyo yan eh! Ano ba pagkatapos ng PMPC bidding, eto na naman ang isang pandaraya? Wala kang kasawa sawa Kim Chiu. and Ktards! Nakakahiya ka! Kaloka!!”

‘Yan ang pamba-bash na natamo ni Kim na lumabas sa isang popular website. “Hindi naman direktang galing kay Kim yung post. Naka-quote nga oh. So obviously may nagpost lang then nakita nya siguro (since naka-tag sya) then pinost nya.

Ang mali lang nya dyan is di nya muna vinerify if tama yung post,” reaction naman ng isa pa.

Read more...