Pamilya ni Samboy Lim nanghihingi ng dasal

samboy lim
Nakakalungkot naman ang nangyari sa ating kaibigang si Samboy Lim, dating sikat na PBA player na aktibo pa rin sa mga laro ng PBA Legends, here and abroad.

Last Friday kasi sa isang supposedly practice ng mga PBA veterans  (kasama sina Noli Locsin, Nelson Asaytono, at iba pa) sa Ynares Arena sa Pasig City ay bigla na lang daw itong nag-complain ng pananakit ng katawan at mga braso.

“Nagpamasahe pa nga siya ng mga binti niya at balikat,” tsika ng isang kausap namin. “Nag-uusap pa sila ni Noli (Locsin) nang bigla na lang siyang matumba,” dagdag naman ng isa pang kaibigan.

Agad daw na isinugod sa pinakamalapit na ospital si Samboy at ngayon ay nasa ICU pa rin ito at humihingi ng dasal ang mga kaibigan at kapamilya nito sa PBA para sa agarang paggaling ng dating PBA superstar.

He’s just 53 years old at nakilala ito dati sa PBA bilang si Mr. Skywalker. Kilala ring health buff at very sporty si Samboy kaya’t marami ang nagulat sa kanyang sinapit.

We really feel sad for Samboy. Here’s praying for his recovery!

Read more...