SHAINA: Hindi naman siguro ako lolokohin ni JOHN LLOYD!

Naniniwalang good boy na ang boyfriend

NANINIWALA si Shaina Magdayao na wala ng rason para magselos siya. In fairness, mukhang tahimik na ang ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ha!

Simula nang magkabalikan kasi sila ay wala na tayong narinig na intriga at kontrobersiya tungkol sa kanilang relasyon, wala nang nali-link na ibang babae kay Lloydie at tumigil na rin ang issue sa kanila ni Ruffa Gutierrez.

Ayon kay Shaina, mas naging strong daw ang pagsasama nila ngayon ni Lloydie, kumbinsido naman daw siya na “good boy” na ang kanyang boyfriend.

“Sino naman ang pagseselosan namin? Gaya nga ng nasabi ko before, may kanya-kanya naman kaming work.

Paano? Saka sino?” chika ng aktres na bibida nga sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo kasama sina Jake Cuenca at Bangs Garcia.

“Ako kasi hindi talaga ako selosa. And I believe… I don’t think na bibigyan niya ako ng reason para magselos ngayon.

And kung anuman ‘yung nangyayari sa aming dalawa ngayon, sa work namin, nirerespeto namin ‘yun.

Mga mature roles na rin ang ginagawa nila ni Lloydie, may mga halikan at bed scenes na, hindi kaya pagsimulan na naman ito ng selosan at hindi nila pagkakaunawaan?

“Hindi na kami pa-tweetums at pakilig, hindi na mga ganu’n ‘yung ginagawa namin.

So, trabaho lang talaga at walang personalan. I can say na mas maraming changes, pero for the better.

“Mas masaya ako kung paano ang mga bagay-bagay ngayon.

Mas naging masaya, mas naging peaceful,” kuwento pa ng sister ni Vina Morales.

Inamin naman ng dalaga na dahil sa dami ng trabaho nila ni Lloydie ay nababawasan din ang time nila sa isa’t isa.

“Kaya sobrang effort. Kailangang mag-effort talaga kami pareho.

Kapag may pareho kaming trabaho, kung mayroong tatlong oras na pahinga, we try to eat dinner together.

“Either magdadala siya ng pagkain sa akin or ako ang magdadala ng pagkain sa kanya, ganu’n, lunch together.

‘Yung mga Linggo naman namin, untouchable ‘yun para sa pamilya ng isa’t isa.

“Tapos after namin mag-spend ng time with our own family, we spend time naman together.

And we pray together, ‘yun siguro ‘yung pinanghahawakan ko,” say pa ni Shaina.

Anyway, sa April 16 na magsisimula ang Kung Ako’y Iiwan Mo sa Kapamilya Gold, makakasama sa seryeng ito sa pilot week sina Christopher de Leon at Phillip Salvador, pati na rin sina Sandy Andolong, Gloria Diaz at marami pang iba.

Read more...