ANNABELLE ‘KUYUG’ kina AMALIA at GLORIA

Ngayong tapos na ang paggunita sa Semana Santa

NAKU, kapatid na Ervin, inaabangan nga ng mga mahihilig sa tsismis at kontrobersya ang pangako ni Ms. Amalia Fuentes na after Holy Week ay may pasasabugin daw siya laban kay tita Annabelle Rama.

Nakakagulantang kasi talaga ang naging batuhan nila ng salita via Twitter bago mag-Semana Santa at impressed kami sa dating movie queen dahil kinarir niya ang pag-follow sa mga kapatid natin sa hanapbuhay na may Twitter account and informed us nga na siya ang “real Amalia Muhlach Fuentes” na may Twitter account para sagutin ang mga bira at paninira sa kanya ni Annabelle Rama.’

Mukhang malalim ang pinag-ugatan ng isyu sa dalawa.

Pati ang paborito nating Miss Universe na si Tita Gloria Diaz ay nasangkot na rin sa gulo at balita ring naghihintay lang ng perfect timing para sumagot sa mga patutsada ni tita Annabelle.

Naku, nakakagulat ding mabalitaan na ultimo ang mga anak nila ay nadadamay na dahil balitang pinull-out na ni tita Glo si Isabelle Daza sa bagong project nito kung saan makakasama dapat niya si Richard Gutierrez.

Nakakahilo ha, dahil mukhang ang mga “beteranang parents” nila ang may mga old issues na parang ngayon lang naglalabasan! Nakakaloka!

Ayon sa nakalap naming tsika, ang pagbibigay ng phone at pagpapakausap ni tita Glo kay tito Eddie Gutierrez ang dahilan ng panggagalaiti ni tita Annabelle.

Parang isang lumang eksena sa movie nila noong araw ang nangyari – dahil si Ms. Amalia pala na kaokrayan ni tita Annabelle ang nasa kabilang linya.

Nangyari nga ito sa isang public place (restaurant) kung saan aksidente lang silang nagkita-kita.

Pero tungkol lang umano sa pagkamatay ng dating asawa ni Ms. Fuentes ang usapan dahil naging kaibigan din pala ito ni tito Eddie.

Sa maikling salita, may feeling nabastos at nambastos kaya hayun, rumepeke ng ingay si tita Annabelle laban kay tita Glo.

Ibang eksena (at mas matindi) pa ‘yung diumanong nangyaring murahan, bastusan at sigawan sa mismong loob ng simbahan at sa gitna ng misa para sa yumaong asawa ni Ms. Fuentes.

Sina tita Annabelle nga at Ms. Amalia ang sangkot sa mga eksena na nauwi nga sa bangayan nila sa Twitter.

Hala, kailangang maka-relate ang mga younger generation of readers and showbiz followers dahil kung hindi kapatid na Ervin, mauuwi sa wala ang lahat ng ito.

Ha-hahaha! Hindi bagay ang flop na box-office receipt o di kaya’y poor rating sa mga ganitong eksena! Ha-hahaha!

Read more...