MARIAN: Hindi ako lolokohin ni DINGDONG!

SIMULA nang maging magkarelasyon daw sila, never nagkaroon ng matinding problema sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Wala rin daw pinagselosan nang matindi si Marian para awayin niya si Dingdong.

Ayon kay Marian, naniniwala raw siya na loyal sa kanya ang boyfriend at never itong nagloko o nambabae.

At ganu’n din daw siya, siya raw ‘yung tipong one-man woman.

Wala raw sa bokabularyo niya ang lokohin ang lalaking pinakamamahal niya. Sinabi pa ng leading lady ni Dingdong sa primetime series na My Beloved ng GMA, kahit kailan daw ay hindi siya nabalitang nagpapalit-palit ng boyfriend o namangka sa dalawang ilog.

Kaya nga raw hanggang ngayon ay very strong pa rin ang relationship nila ni Dingdong.

Four years nang magkarelasyon ang dalawa pero sabi nga ni Marian, wala pang nangyayaring hamunan ng hiwalayan sa pagitan nila ng boyfriend.

Wala naman daw kasing dahilan para mangyari ‘yun, very secured daw ang kanilang pagmamahalan.

Sa isang interview siniguro pa nga ni Marian na, “Anong dahilan para magselos pa ako, e, napaka-vocal naman niya kung gaano niya ako kagusto?

Unless na may mangharot na on the spot na nakikita mo, e, wala naman.”

Read more...