Jodi takot na takot magsalita tungkol kay Jolo

jodi sta maria

NAGTATAKA lang ang ilang nakakausap namin, bakit daw parang takot na takot magsalita nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla tungkol sa kanilang relasyon.

Bakit daw ang damot-damot nilang mag-share sa mga pinagdadaanan nila as a couple? Hindi kasi maintindihan ng madlang pipol kung bakit laging umiiwas at laging no comment na lang ang dalawa kapag natatanong sa estado ng kanilang relasyon.

Ang iniisip tuloy ng iba, hindi nila kayang panindigan ang kanilang relationship dahil nga tila hiyang-hiya sila sa mga tao.
Tulad na lang ng nangyari sa isang event kung saan muling natanong ang Kapamilya actress tungkol kay Jolo na kasama nga niya that time nang interbyuhin ng media.

Maayos namang tumanggi ang dalawa na sagutin ang mga personal questions sa kanila kaya nirespeto na lang uli sila ng press.
Marami nga ang nakapansin na kahit sa picture taking ay tila iwas na iwas si Jolo na para bang isang malaking kasalanan ang mapiktyuran sila ni Jodi na magkasama.

Komento nga ng isang nakausap namin na nabubwisit na rin sa magdyowa, “Hindi ko lang magets kasi kung ano ang inaarte nila sa buhay. “Alam na naman ng buong mundo na sila, so, bakit parang lagi silang may kinatatakutan.

O, baka naman meron silang iniingatang lihim na hindi dapat mabunyag kaya lagi na lang silang umiiwas. Kaloka!” iritang sabi pa ng aming kausap.

May point naman siya, di ba? Kahit kami ay napapaisip kung bakit ganyan ang drama nina Jolo at Jodi – masyado silang malihim. Ang alam namin ay wala nang problema sa annulment case nina Jodi at Pampi Lacson, her ex husband.

Wala rin namang sabit si Jolo, kaya ano bang problema? Hay, hayaan na nga lang natin sila…sabi nga nila, walang basagan ng trip! Ha-hahaha!

Anyway, ngayong tapos na ang Be Careful With My Heart, tuloy na ang nakaplanong bakasyon ng pamilya ni Jodi ngayong December, “Yes, we are travelling with our family.

Meron kaming out of town [trip], meron kaming out of the country na gagawin,” ani Jodi sa isang interview. Tungkol naman sa susunod niyang project, “Pelikula wala pa.

Ang masasabi ko lang, I’m going to do a project with ABS-CBN next year. Yun ang dapat nila abangan. Pero hindi pa talaga ako allowed na mag-divulge ng information about it.”

Read more...