Aiza, Liza ibinandera ang mga ginagawa sa kama

aiza esguerra
Nakita namin ang mga prenup photos nina Liza Diño at Aiza Seguerra sa Instagram, at iba-iba ang naging reaksiyon ng madlang pipol sa nasabing mga litrato na kuha ng Proud Rad Photography.

Ayon sa ilang netizens, parang OA na raw ang gay couple sa mga ipinopost nila sa kanilang social media accounts, tulad na lang ng isang kuha kung saan nakahiga sina Aiza at Liza sa kama na naglalandian.

Kulang na lang daw ay ibandera nila pati ang ginagawa nila sa loob ng kanilang kwarto.  Para naman sa ibang nakausap namin, wala silang nakikitang masama sa mga litrato, hindi naman daw nakahubad ang magdyowa at artistic naman ang pagkakalitrato sa kanila habang nakahiga sa kama.
Inilarawan naman ni Aiza ang nasabing prenuptial shoot as the “most comfy” na ginawa nilang pictorial ni Liza. Ayon naman sa fiancé ni Aiza, “When you become a bride, every detail matters.

You have this image in your head that you can’t shake off and you do everything you can to make it happen.” Dagdag pa niya, “You want all the elements to represent the kind of love that you share with your partner.

That’s what happened last night. THE PRENUP WAS UNPRETENTIOUS. Everything about it was just US, reflects exactly who we are as a couple and I love it!”

Nakatakdang ikasal sa Dec. 8, 2014 ang dalawa sa Amerika, pero magkakaroon din daw ng ceremony dito sa Pilipinas pagkatapos nilang ikasal sa US.

Kasama rin nilang lilipad sa States ang anak ni Liza sa una niyang asawa. Sa huling panayam namin kay Aiza, sinabi nitong tunay na anak na rin ang turing niya sa bata at handa na siyang gampanan ang pagiging “padre de pamilya.”

Read more...