KITANG-KITA sa aura ni Yeng Constantino ang labis na kaligayahan sa piling ng kanyang magiging asawang si Yam Asuncion na isa ring musician.
Magkahalong excitement at kaba na raw ang nararamdaman niya habang papalapit na ang kanilang kasal. Sa presscon ng bago niyang album, ang “All About Love” under Star Music, sinabi ni Yeng na dalawa sa mga kantang nakapaloob sa album ay composition niya at talagang nilikha niya ang mga ito para sa kanyang fiancé na si Yan.
Ito ay ang “Ikaw,” na siyang carrier single ng album at hit na hit na ngayon sa airwaves at ang “Dance Without the Music.”
Ayon sa Pop Rock Princess habang nire-record daw niya ang mga nasabing kanta ay talagang naging super emotional siya.
Ilang beses nga raw kinailangang itigil ang recording ng nakakasenting “Ikaw” dahil hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Talaga raw kasing tumatagos ang bawat linya ng kanta sa kanyang puso.
Tinanong naman ng entertainment media si Yeng kung kakantahin ba niya ang “Ikaw” sa kasal niya, “Hindi ko po alam kung good po ‘yon! Baka habang lumalakad ako, masira na ang makeup ko.
Hindi ko na lang po siya tatangkaing gawin. “Siguro kakantahin ko na lang po kapag tapos na ang martsa. Siguro po sa martsa po talaga, maglalakad lang ako.
Sa reception na lang para kahit masira na ang makeup ko, okay lang, kasi nakuha na po ang mga dapat litratuhan,” natatawang chika pa ni Yeng.
Para naman sa kanyang wedding march, pinag-iisipan pa niya kung ang kantang isinulat para sa kanya ni Ebe Dancel, ang “Una’t Huling Pag-ibig,” ang gagamitin nila.
Samantala, walang kahit isang celebrities na kasali sa entourage ng kasal ni Yeng, “Walang showbiz. Non-showbiz friends ko lang talaga. Kasi parang nakakahiya na kumuha (ng artista).
“Feeling ko, ang circle ko talaga is non-showbiz. Parang ang pangit kapag mag-i-invite ka lang for the sake of inviting people. I think sobrang special ng friends ko na non-showbiz kaya gustung-gusto ko talagang sila ang nandun.
“Gusto kong ma-enjoy nila ang moment dahil nakita nila akong mag-grow, nakita nila ang mga pinagdaanan ko sa buhay. Kasi I believe ‘yun ang purpose nu’n.
Hindi ‘yung mag-invite ka lang, magpaparampa ka lang just to say na, ‘Hey, look at my entourage, puro celebrity.’ “Ang pangit naman nu’n. Hindi dapat ganu’n.
It has to come with sincerity because these are the people who watched you grow,” depensa ng singer. Pero aniya, “Invited naman po lahat ng kapatid ko from ASAP, kapatid ko from Star Magic.”
Wala namang balak umalis sa entertainment industry si Yeng kahit kasal na siya, “Wala po akong planong umalis sa show business, sa music industry, dahil ito po talaga ang passion ko.
I’m really grateful na si Yan po ay very, very supportive na partner. “Hindi niya po gugustuhin talaga na hindi ko gagawin ang something na nakakapagpasaya sa akin.
Ako din, the same way, support ko lang din kung ano ang passion niya—his ministry, ‘yung charity works namin. We just support each other.”
Hirit pa niya, “Hangga’t mahal pa po ako ng mga tagahanga ko, ako po ay hindi aalis. Dito lamang po ako at gagawa nang gagawa ng musika.”
Samantala, kabilang din sa “All About Love” album ang mga kantang sinulat mismo ng kanyang fiancé na si Yan tulad ng “Shining Like the Sun (Baby are You Ready),” “Your Love Is My Relief,” at “What’s Up Ahead.” Nandiyan din ang “Dito Ka Lang
Sa Tabi” na nilikha ni Toto Sorioso, “Feels Like” ni Gus Abarquez, “So Beautiful” ni Jonathan Manalo, at “Ferris Wheel” ni Jed Dumawal.
Ang “All About Love” ay mabibili na record bars nationwide. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.