Relasyong Toni-Direk Paul iniintriga…hiwalay na?

toni gonzaga

Before going to MMFF announcement para sa official entries na napili nila for different categories, one of which is the New Wave category, ay may natanggap kaming text from an unfamiliar number. ‘Yung message has something to do with Direk Paul Soriano na head ata ng committee na namili for the five entires sa New Wave category.

Anyway, maraming taga-media ang nagtaasaan ng kilay sa mensaheng natanggap. One of the contents ng message ay ‘yung pagpo-prohibit na tanungin si Direk Paul ng personal questions.

E, syempre, knows na natin ‘yon na may kinalaman sa lovelife niya with Toni Gonzaga. Nakakapanibago lang kasi dahil parang ngayon lang ata may ganyang eksena si Direk Paul.

Dami tuloy nag-iisip why a sudden change of heart, change of heart daw o?! Ha-hahaha! May nag-isip na ‘di kaya may trouble ngayon sa relasyon nina Direk Paul at Toni? May nanlamig na ba sa mahigit-kumulang na pitong buwan na relasyon nila? Hiwalay na ba sila?

O baka naman gusto lang ni Direk Paul na i-sentro ang interbyu niya sa MMFF at pagiging chairman niya sa New Wave category.

Naku, whatever it is, kapag natiyempuhan namin si Direk Paul sa presscon ng MMFF this week, we’ll definitely ask him kung ano’ng kyeme ‘to?

Read more...