From Chuck Gomez, we learned that Korina Sanchez filed a temporary leave of absence mula sa ABS-CBN mula sa lahat ng kanyang mga news work para sa susunod na taon.
Tatlong buwan ang ni-request ni Korina simula Enero 2015 hanggang Marso 2015, at ito ay dahil kailangan niyang mag-concentrate sa isang importanteng proyekto para sa kanyang pag-aaral, requiring a trip abroad.
Korina is taking up Master of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University at nag-aapply din siya ng simultaneous course sa London School of Economics kung saan kailangan niyang bumiyahe sa Europe.
“I’ve talked about this with network management since middle of last year. The bosses were all for it. My advanced studies have taken the backseat for too long and if I don’t do this now, I may never.
Kaya nga pinagsasabay-sabay ko na. It’s not easy but I’m optimistic I can do this,” Korina said. Habang on leave si Korina mula sa kanyang daily live newscast, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang weekly magazine program na Rated K at ang kanyang occasional, award-winning interview show na Up Close And Personal sa ANC.
Babalik din si Korina para sa news coverage ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015.