Pahirapan sa pag-claim ng PhilHealth refund

MAGANDANG Araw po sa inyo! Ako po ay matagal nang tagasubaybay sa Inquirer- BANDERA. Nais ko pong isangguni ang aking problema para matugunan ng pansin sa inyong
AKSYON LINE by Liza Soriano.

Ako po ay si Honey Lyn, taga Negros Oriental, isang government employee simula sa taong 2009 at may PhilHealth ID No. ….7771 (see MDR attached). Last January 2014, naospital ang
aking ama at covered siya sa aking beneficiary at senior citizen na rin siya. Naka attached rin dito ang statement account / billing sa hospital.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natanggap ang aking claim/ refund. Nagpunta na ako sa nasabing hospital (see attached Transmittal Letter) at ang ga-yong letter ay na transmit noong February 2014. Nagpunta na rin ako sa PhilHealth Office sa Dumaguete City, ang sabi nila sa akin maghintay lang daw ako kasi baka sa post office ang dahilan sa delayed na pagpadala.

Pinuntahan ko ang post office sa aming lugar at sinabihan ako na humingi ulit ng request for claim/refund sa Philhealth dahil hindi na nila ma locate ang sulat.

Sumangguni na naman ako sa PhilHealth at humingi ng request for refund. Ilang araw or buwan po ba matatanggap ang aking request for refund?

Magtatapos na po ang taong ito pero hanggang ngayon wala pa akong natatanggap. Posible bang hindi na ako makatanggap sa nasabing refund or claim? Ano po ba ang dapit kong gawin?
Sana mabigyang pansin or aksyon ang aking mga kasagutan.
(P.S. – Huwag na po ninyong ilagay ang aking complete name at buong address)
Salamat po.
Gumagalang,
HONEY LYN
REPLY: Dear Ms. Honey Lyn.

Pagbati po mula sa Team PhilHealth!

Upang ma-verify po namin ang inyong claim, mangyari po na pakibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
· Pangalan ng Pasyente:
· Pangalan ng Ospital:
· Petsa ng Confinement:
· Petsa nang mai-file, kung direct-file:

Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap namin ang mga nasabing detalye.

Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

Read more...