HI po. Itago n’yo na lamang po ako sa pangalang Mary. Isa po akong PWD (person with disability).
Nabalitaan ko po na ang ECC ay may programa para sa mga katulad kong PWD.
Sa ngayon po ay nasa bahay lamang ako subalit nais ko sanang makatulong sa aking asawa nang sa gayon ay mapagtapos namin ang aming mga anak sa kolehiyo.
Apat ang anak namin at ang panganay ay nasa high school pa lang. Kasalukuyan pong nagtatrabaho ang asawa ko bilang factory worker at ako naman po ay nakatapos lamang ng second year college. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
Mary
REPLY:
Para po sa katanungan ni Ms Mary:
Narito ang mga sumusunod na kondisyon upang makatanggap ng biyaya ang nagkaroon ng kapansanan mula sa Employees’ Compensation Program (ECP) :
1. May work-connected disability o nagkaroon po ng pinsala sa anumang bahagi ng katawan dahil sa pagganap ng tungkulin;
2. Tumanggap ng EC disability benefits mula sa SSS o sa GSIS;
3. Maaaring di na nakapagpatuloy ng pagtatrabaho dahil sa naturang work-connected disability
Kung nagkaroon po ng mga naturang kondisyon ang isa pong empleyado o manggagawa ay ituturing na Person with Work-Related Disability (PWRD)
Mangyari lamang po na pakibigay ang pangalan at kumpletong address ng isang PWRD sa aming tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong
Salamat po
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.